|
| Name: Connie Ballesteros |
| MY URL: Visit Me |
| Location: Hong Kong |
Comments:
Saan po ba makabibili ng Imbestigador?
| Name: George Arriola | MY URL: Visit Me |
| My Email: Email Me | Location: Quezon City |
Comments:
Bilang serbisyo publiko, mababasa ninyo sa POFW-SMENFI Guestbook ang aking kolum na regular na inilalathala sa pahayagang IMBESTIGADOR.
BOSES NG PAMILYANG OFWs
Ni GEORGE A. ARRIOLA
(For Feb. 26 issue of IMBESTIGADOR)
3 aplikante pa-Japan muntik na maisahan ng
Kirin International Talent and Promotion
Muntik na maisahan ng Kirin International Talent and Promotion ang tatlong aplikante na nakipag-ugnayan muna sa IMBESTIGADOR bago magbigay ng paunang bayad upang makapagtrabaho sa Japan.
Sinabi nina Juanito Almera, Agnes Serrano at Elsa Almacen na sabay-sabay silang nag-apply sa Kirin International na nangakong makakapag-trabaho sila bilang waiter at waitresses sa Akihabara Hotel sa Tokyo, Japan pero kinakailangan muna na magbigay agad ang bawat isa sa kanila ng P20,000 para sa processing fee at P759 para sa medical fee.
Sinabi sa kanila ni Marissa Diala ng Kirin International na sa oras na sila ay nasa abroad na ay may babayaran pa ang bawat isa sa kanila na P48,000 sa pamamagitan ng salary deduction. Ayon pa kay Diala, sasahod sila ng tig-$1,200 kada buwan at ang kontrata ay para sa anim na buwan.
Nabatid din nila kay Diala na ang magpapa-alis sa kanila ay ang RPF Business Management & Consultancy Inc. na isang land-based recruitment agency.
Nagdadalawang-isip sina Juanito, Agnes at Elsa kung magbibigay sila ng paunang bayad kaya’t idinulog nila ang kanilang pag-aalinlangan sa IMBESTIGADOR.
Tiningnan namin ang website ng Philippine Overseas Employment Administration upang alamin ang status ng nasabing agency at nakita namin na “good standing” naman ito at ang validity ng license ay hanggang sa April 2, 2004.
Hinanap din namin ang pangalan ng Kirin International sa listahan ng land-based agencies pero di namin ito nakita.
Kaugnay ng problema ng tatlo ay nakipag-ugnayan kami agad kay POEA Administrator Rosalinda Baldoz upang alamin kung kinakailangan ngang magbigay ng paunang bayad o hindi sa Kirin International sina Juanito, Agnes at Elsa.
Ang naging tugon ni Administrator Baldoz ay hindi dapat magbigay ng paunang bayad ang tatlo sa Kirin International hanggang walang ipinapakitang job order at genuine na employment contract si Diala.
Muli kaming nag-check sa POEA website upang alamin kung may job opening nga ang RPF Business Management & Consultancy Inc. sa Japan at nagulat kami dahilan sa wala itong opening sa nasabing bansa at ang mga job opening ay para lamang sa Saudi Arabia na ang mga bakanteng trabaho ay para sa accountant, draftsman, dressmaker, driver, electrician, laborer, mechanic at iba pa.
Sa madaling sabi, nanloloko lamang itong si Diala at muntik na niyang magoyo ang tatlo na kung hindi nagdalawang-isip at dumulog sa IMBESTIGADOR ay makakabilang na ng ilan sa mga aplikante ng Eli International Manpower Specialist na hindi pa nakaaalis matapos na pangakuan na makakapagtrabaho makaraan ang tatlong buwan na sila ay mag-apply at makapagbigay ng paunang bayad sa EIMS.
Kaya’t pinapayuhan namin ang ating mga kababayan na nais magtrabaho sa Japan na mag-ingat kay Marissa Diala ng Kirin International Talent and Promotion.
* * *
Sa Sabado nga pala ay isang radio program para sa pamilyang OFWs ang ilulunsad ng Pamilyang OFWs-SMEs Network Foundation, Inc. sa Kabayan Radio.
May titulong “Pamilyang OFWs-SMEs,” ang isang oras na public service program na magsisimula sa alas-7:30 ng gabi ay isasahimpapawid ng live mula sa Pilipinas at mapapakinggan ng mga OFW sa Hong Kong, Taiwan at Macau.
Layunin ng “Pamilyang OFWs-SMEs” na magsilbing forum sa pagitan ng pamilyang OFWs at ng iba pang may kinalaman sa overseas employment industry.
May mga imbitadong opisyal mula sa POEA at iba pang ahensiya ng pamahalaan na may kinalaman sa pamilyang OFWs upang bigyan ng karampatang solusyon ang problema ng mga OFW na idinulog sa IMBESTIGADOR at sa nasabing radio program.
* * *
Samantala, inaanyayahan namin ang ating mga kapamilyang OFWs na gustong magpahayag ng kanilang opinion o reaksyon sa mga napapanahong isyu, may problema o reklamo sa kanilang recruitment agencies at employers, o may nalalamang anomalya o iregularidad na kinasasangkutan ng mga opisyal at kawani ng pamahalaan na lumiham lamang sa: BOSES NG PAMILYANG OFWs c/o IMBESTIGADOR, 3/F A.M. Bldg., 28 Quezon Ave., Quezon City, 1113; mag-text sa 0916-7421768 o mag-e-mail sa gearcom@philonline.com.
| Name: Carlos Uy |
| MY URL: Visit Me |
| Location: Hong Kong |
Comments:
AMLA dapat ayusing mabuti ng solons pare di maapektuhan kaming OFWs
| Name: Thelma Go |
| MY URL: Visit Me |
| Location: Hong Kong |
Comments:
Sana di na pahirapan pa ng mga mambabatas kaming OFWs sa pamamagitan ng di pagsasaayos ng AMLA.