Welcome to our Guestbook!
Current Page Page 99 Page 98 Page 97 Page 96 Page 95 Page 94 Page 93
Page 92 Page 91 Page 90 Page 89 Page 88 Page 87 Page 86 Page 85
Page 84 Page 83 Page 82 Page 81 Page 80 Page 79 Page 78 Page 77
Page 76 Page 75 Page 74 Page 73 Page 72 Page 71 Page 70 Page 69
Page 68 Page 67 Page 66 Page 65 Page 64 Page 63 Page 62 Page 61
Page 60 Page 59 Page 58 Page 57 Page 56 Page 55 Page 54 Page 53
Page 52 Page 51 Page 50 Page 49 Page 48 Page 47 Page 46 Page 45
Page 44 Page 43 Page 42 Page 41 Page 40 Page 39 Page 38 Page 37
Page 36 Page 35 Page 34 Page 33 Page 32 Page 31 Page 30 Page 29
Page 28 Page 27 Page 26 Page 25 Page 24 Page 23 Page 22 Page 21
Page 20 Page 19 Page 18 Page 17 Page 16 Page 15 Page 14 Page 13
Page 12 Page 11 Page 10 Page 9 Page 8 Page 7 Page 6 Page 5
Page 4 Page 3 Page 2 Page 1
Back to our Guest Book
| Sign Guestbook
03/16/03 06:05:41 GMT
| Name: George Arban Arriola |
MY URL: Visit Me |
| My Email: Email Me |
Location: Quezon City |
Comments:
BOSES NG PAMILYANG OFWs
Ni GEORGE A. ARRIOLA
For March 16 (Sunday) issue
Huwag paloloko sa ‘pyramiding syndicates’
Marami pa rin sa ating mga Filipino -- partikular ang OFWs at nagbabalak na mag-OFW -- ang madaling maloko ng mga mapagsamantalang kababayan natin na “matatamis ang dila” at ng mga organisadong sindikato.
Ayon sa Philippine Overseas Employment Administration, may 387 aplikante pa-abroad ang natangayan ng P7.5 milyon ng mga mapagsamantalang recruitment agencies noong nakaraang taon at ang nasabing halaga ay kanilang ipinare-refund.
Hindi kasama sa naturang halaga ang milyon-milyon ding piso na natangay ng mga pekeng kinatawan o mapagsamantalang may-ari at empleyado ng recruitment agencies mula sa ating mga kababayan na nagpasyang manahimik na lamang dahil sa hindi nila alam na pwede silang magreklamo sa POEA o kaya naman ay ayaw maabala o nahihiya.
Ang mga nabiktima ng mga mapagsamantalang elemento at sindikato ay naririto pa rin sa bansa at patuloy na umaasa na darating din ang panahon na sila ay makakapag-trabaho sa abroad.
Ngayon, tinatarget din ng mga mapagsamantalang elemento at mga sindikato -- partikular ang mga nasa pyramiding activities -- ang OFWs na kasalukuyang nagtatrabaho sa Hong Kong.
Ito ay kinumpirma sa atin noong Miyerkules ni Agnes Cristobal, sa pamamagitan ng text message sa IMBESTIGADOR, na nagsabing ang Mateo Management Group ay nag-aalok sa mga OFWs sa HK ng interest na 3 porsyento kada buwan sa kanilang cash investment.
Nangako kami kay Agnes na ilalathala namin ngayon ang mga pangalan ng mga kompanya na ayon sa Department of Foreign Affairs at Securities and Exchange Commission ay kabilang sa Ponzi o “pyramiding scheme” na isang illegal na aktibidad.
Naririto ang pangalan ng mga kompanya: Access Credit & Development Group, Asian Islands Management Inc., Asian Media Developmet Group, Inc., Atlantic Invest, AVG Group of Companies, BXI Properties and Holdings, Inc., CITP New Century International, Coinis Account Lending Services Inc., Conrad Group and Associates Inc., Crisis Solution Inc., Five Vision Consultancy Inc., Florentino Mateo Lending Services Inc., Golden Firebird Marketing, Good Harvest Orchard Inc., Intercontinental Services Inc., Lead Lending Corp., Mateo Management Group, MMC Investment and Finance Corp., Multitel Investment Corp., Multitel Investors Corp., Multitel Lending Corp., Overseas Workers Stock Capital, Phil-Asia Lending Investors Inc., Red Dragon Lending Corp., Servlink Cargo Inc., Speed Credit and Collection, Tibayan Group of Companies at Vefloni Lending Services Inc.
Ang pangalan ng mga nasabing kompanya ay ipinadala na ng Department of Foreign Affairs sa mga embahada at konsulado ng Filipino sa ibang bansa upang bigyan ng babala ang mga OFWs laban sa mga pyramiding scam.
Kaugnay nito, pinapayuhan ng pitak na ito ang ating mga kababayang OFWs na nasa Hong Kong gayundin ang nasa iba pang panig ng mundo na bago kayo mag-invest -- laluna kung malaki ang interest na ipinapangako ng isang kompanya sa inyong investment -- ay kailangang tiyakin ninyo kung may kredibilidad at kilala ang mga tao na nasa sa likod ng kompanya at kung gaano ito katatag.
Kailangan din ninyong pag-aralang mabuti kung may potensiyal ang produkto o serbisyo nito sa merkado para matiyak na ito ay kikita nang maayos at nang sa ganoon ay matutupad nito ang ipinangakong tubo sa puhunan.
Libo-libo na sa ating mga kababayan ang natangayan na ng mga pyramid syndicates ng bilyon-bilyong piso ng pinaghirapan nilang kita at sana ay magsilbi itong babala at nang huwag nang mapasama sa listahan ng mga “naloko” ang ating OFWs gayundin ang kanilang pamilya.
* * *
Para sa inyong opinyon, problema, reklamo o sumbong, sumulat lang sa: BOSES NG PAMILYANG OFWs c/o IMBESTIGADOR, 3/F A.M. Bldg., 28 Quezon Ave., Quezon City, 1113; mag-text sa 0916-7421768, mag-e-mail sa gearcom@philonline.com o bumisita sa POFW-SMENFI website na pamilyangofw-sme.org at i-type ang inyong mensahe Hanggang sa Miyerkules, Mabuhay ang Pamilyang OFWs!sa Guest Book.
# # #
BOSES NG PAMILYANG OFWs
Ni GEORGE A. ARRIOLA
For March 14 (Friday) issue
POEA kinansela ang lisensiya ng 2 recruitment agencies
na sobrang maningil ng placement fees
Mabuti naman at may 2 recruitment agencies na kinansela ng POEA ang lisensiya dahil sa sobra at advance kung maningil ng placement fees! – Hilda Añonuevo
Ito’y isang mainam na leksyon sa mga may-ari ng recruitment agencies na nagpapadala ng OFWs sa Hong Kong at Taiwan na sobra sa isang buwan na sahod ng OFWs ang sinisingil na placement fees, maagang nangongolekta ng placement fees at hindi nag-i-isyu ng kaukulang resibo.
Ibinalita kamakalawa ng Philippine Overseas Employment Administration na ang lisensiya ng dalawang recruitment agencies – ang Darwin Manpower International Services at ang RF Horizon Recruitment Agency Corporation – ay kanilang kinansela makaraang mapatunayang lumabag sa “2002 POEA Rules and Regulations Governing the Recruitment and Employment of Land-Based Overseas Workers.”
Ang Darwin Manpower at RF Horizon ang una at pangalawang ahensiya na nakansela ang lisensya makaraang maging epektibo ang POEA Rules.
Inireklamo ni Corazon Mapili, na nag-apply bilang domestic helper sa Hong Kong, ang assistant general manager ng Darwin Manpower na sumingil sa kanya ng P65,000 para sa trabaho sa HK noong Hunyo 2002 at sa di pagbibigay ng kaukulang resibo.
Si Amelia Gabriel ng RF Horizon ay inireklamo naman nina Vengie Llabore at Jovito Nares, na nag-a-apply ng trabaho sa Taiwan, na sumingil sa kanila ng tig-P55,000 noong Mayo 2003 na di rin nagbigay ng kaukulang resibo.
Ayon sa POEA, ang legal na placement fees na dapat kolektahin ng recruitment agency kapag may employment contract na ang OFW na pa-Hong Kong at Taiwan ay mula P20,000 hanggang P25,000 lamang, na katumbas ng isang buwang sahod, at ang anumang bayad ay dapat na may kaukulang resibo.
Sinabi ni POEA Administrator Rosalinda D. Baldoz na dahilan sa paglabag sa POEA Rules, ang dalawang ahensiya ay pinatawan nila ng malaking multa at penalties.
Inatasan din ng POEA ang mga may-ari ng nasabing ahensiya na i-refund ang placement fees na kinolekta nila mula sa mga aplikante sa abroad.
Kaugnay nito, tinatawagan namin ang ating mga kababayang OFWs na pa-Hong Kong at Taiwan na naririto pa at di pa nakaaalis pero pinagbayad na ng sobrang placement fees at di binigyan ng kaukulang resibo ng kanilang recruitment agencies na mag-file na ng kanilang reklamo sa POEA.
* * *
Bukas nga pala ay iniimbitahan namin kayo na makinig at makiisa sa “Pamilyang OFWs-SMEs” sa DZRJ 810 AM, mula alas-9 hanggang alas-10 ng umaga, at sa Kabayan Radio, simula naman sa alas-7:30 hanggang alas-8:30 ng gabi. Ang ating lingguhang programa sa Kabayan Radio ay live na napapakinggan ng mga OFW sa Hong Kong, Taiwan, Macau at Shanghai.
Ang anchors sa nabanggit na programa ay ang inyong lingkod, si Atty. Oswald B. Lorenzo na pangulo ng OFW Protect, at si Gerry M. Ong na vice president ng POFW-SMENFI. Kabilang sa mga segment nito ay ang: Pamilyang OFW-SME News Update, Special Report, OFW-SME Family Legal Forum, Opportunities Update at Kasali Ka Kaibigan.
Bukas, ang espesyal na panauhin natin ay si Victor E. R. Fernandez, Jr. na pangulo ng Philippine Association of Service Exporters, Inc. na binubuo ng 650 lisensiyadong recruitment agencies sa bansa.
Tatalakayin sa dalawang programa ang mga mahahalagang isyu na tulad ng kontrobersyal na “Unified Contract sa Saudi Arabia,” “Napipintong US-Iraq War” at “Wage Cut sa Hong Kong” gayundin ang ilang programang pangkabuhayan.
* * *
Samantala, sa Linggo ay may Pamilyang OFWs Section po tayo sa IMBESTIGADOR at ang isyu sa “Kasali Ka Kaibigan” ay ang “Unified Contract sa Saudi Arabia.” I-text na po ninyo ngayon din ang inyong reaksyon sa ating 24-hour text messaging hotline na 0916-7421768.
* * *
Para sa inyong opinyon, problema, reklamo o sumbong, sumulat lang sa: BOSES NG PAMILYANG OFWs c/o IMBESTIGADOR, 3/F A.M. Bldg., 28 Quezon Ave., Quezon City, 1113; mag-text sa 0916-7421768, mag-e-mail sa gearcom@philonline.com o bumisita sa POFW-SMENFI website na pamilyangofw-sme.org at i-type ang inyong mensahe sa Guest Book. Hanggang sa Linggo, Mabuhay ang Pamilyang OFWs!
Current Page Page 99 Page 98 Page 97 Page 96 Page 95 Page 94 Page 93
Page 92 Page 91 Page 90 Page 89 Page 88 Page 87 Page 86 Page 85
Page 84 Page 83 Page 82 Page 81 Page 80 Page 79 Page 78 Page 77
Page 76 Page 75 Page 74 Page 73 Page 72 Page 71 Page 70 Page 69
Page 68 Page 67 Page 66 Page 65 Page 64 Page 63 Page 62 Page 61
Page 60 Page 59 Page 58 Page 57 Page 56 Page 55 Page 54 Page 53
Page 52 Page 51 Page 50 Page 49 Page 48 Page 47 Page 46 Page 45
Page 44 Page 43 Page 42 Page 41 Page 40 Page 39 Page 38 Page 37
Page 36 Page 35 Page 34 Page 33 Page 32 Page 31 Page 30 Page 29
Page 28 Page 27 Page 26 Page 25 Page 24 Page 23 Page 22 Page 21
Page 20 Page 19 Page 18 Page 17 Page 16 Page 15 Page 14 Page 13
Page 12 Page 11 Page 10 Page 9 Page 8 Page 7 Page 6 Page 5
Page 4 Page 3 Page 2 Page 1
Back to our Guest Book
| Sign Guestbook