|
| Name: Gabriel Estalilla | MY URL: Visit Me |
| My Email: Email Me | Location: Quezon City |
Comments:
BOSES NG PAMILYANG OFWs
Ni GEORGE A. ARRIOLA
For March 19 (Wednesday) issue
‘Libreng tawag’ ng pamilyang OFWs sa OWWA at
OFW inihabla ang Sandawa International Placement Agency
Kayo ba ay kamag-anak ng isang OFW na nagtatrabaho sa Kuwait at sa iba pang bahagi ng Gitnang Silangan na nababahala at hindi mapalagay dahilan sa kasalukuyang krisis sa nasabing lugar?
Kung ganoon, pwede ninyong kamustahin ang kalagayan ng inyong minamahal sa buhay sa pamamagitan ng pagtawag sa kanila sa Middle East.
Sinabi ni Administrator Virgilio Angelo ng Overseas Workers Welfare Administration na makatatawag ng libre, sa unang dalawang minuto, ang pamilya sa kanyang mahal sa buhay na nasa Gitnang Silangan.
Ayon kay Angelo, naglaan sila ng espasyo upang doon tumawag ang pamilyang OFWs sa OWWA Head Office na nasa kanto ng F. B. Harrison St. at 7th St. sa Pasay City. Malapit ito sa Sen. Gil Puyat (dating Buendia) Avenue.
Ang operasyon ng 24-hour na call center, na sinimulan kahapon ng ala-una ng hapon, ay naging possible dahilan sa pakikipagtulungan ng PLDT at Globe sa OWWA.
* * *
Dumulog sa IMBESTIGADOR kahapon si Paul Molina upang ireklamo ang nag-recruit sa kanya na Sandawa International Placement Agency. Si Molina na tubong Pozorrubio, Pangasinan, ay nakapagtrabaho na sa Korea at sa Taiwan.
Sa kanyang sinumpaang affidavit-complaint na isinumite sa Philippine Overseas Employment Administration, idineklara niya ang mga sumusunod:
* Noong unang lingo ng Agosto 2001, siya ay inalok ng isang nagngangalang Mila Valdez na magtrabaho sa South Korea sa pamamagitan ng isang “ready visa.”
* Noong Agosto 2001, sinamahan siya ni Valdez sa opisina ni Elisa Ballesteros na may-ari ng Sandawa International Placement Agency na nasa Renadar Bldg., 1360 Leon Guinto St., Ermita, Manila.
* Na kinumpirma sa kanya ni Ballesteros na makapupunta siya sa Korea sa pamamagitan ng “ready visa” at tiniyak pa sa kanya na makapagtatrabaho siya doon. Sa nasabi ring araw ay hiningi umano sa kanya ni Ballesteros ang kanyang passport at humingi ng advance payment na P20,000 para sa kabuuang P120,000 na placement fee.
* Nang bumalik siya sa Sandawa ay nakilala niya ang isang nagngangalang “Bong” na isang boxing promoter na napag-alaman niya na contact person ni Ballesteros.
* Na ipinaliwanag sa kanya nina Bong at Ballesteros na siya at ang ilan pang mag-o-OFW ay bahagi ng grupo ng isang boksingero na naka-schedule na magtungo at lumaban sa Korea. Sinabi pa sa kanya ng dalawa na hindi niya gagamitin ang kanyang tunay na pangalan at ang gagamitin daw niyang pangalan sa “ready visa” ay Vince P. Villones.
* Na naghinala siya kay Ballesteros pero nang tiyakin nito na ang paggamit ng ibang pangalan sa pasaporte ay ayos lamang daw dahilan sa siya mismo ay may ilang passport na may mga “fictitious names”
* Na dahilan sa tiniyak sa kanya ni Ballesteros na siya ay makaaalis pa-Korea, pumayag siyang magbigay ng karagdagang bayad na P50,000 para sa placement fee noong Agosto 8, 2001.
* Na sinabihan siya na aalis na sila pa-Korea sa Agosto 26, 2001 at kailangang ibigay na niya ang balanse na P50,000 para makumpleto ang bayad sa placement fee.
* Na noong Agosto 24, 2001, tumawag sa kanya si Ballesteros at sinabihan na ang kanilang pag-alis ay na-postpone sa Agosto 29, 2001.
Dahil sa kakulangan ng espasyo, ipagpapatuloy namin sa Biyernes ang nilalaman ng affidavit ni Paul na sana ay magsilbing BABALA sa mga kababayan natin na gustong mag-OFW. Hanggang sa muli, Mabuhay ang Pamilyang OFWs!
| Name: Leo Zamora |
| MY URL: Visit Me |
| Location: Taiwan |
Comments:
Let's pray for peace in the Middle East
| Name: Daniel dela Cruz |
| MY URL: Visit Me |
| Location: Riyadh |
Comments:
Ipanalangin natin na sumuko na si Saddam at nang di na matuloy ang giyera sa Gitnang Silangan.
| Name: George Arban Arriola | MY URL: Visit Me |
| My Email: Email Me | Location: Quezon City |
Comments:
BOSES NG PAMILYANG OFWs
Ni GEORGE A. ARRIOLA
For March 17 (Monday) issue
Dapat sibakin na ni GMA si Labor Sec. Pat Sto. Tomas!
Iba’t-ibang sektor ang bumatikos sa Unified Contract sa pagitan ng Philippine Recruitment Agencies (PRAs) at Saudi National Recruitment Committee (SANARCOM) na dapat ay ipinatutupad na noong Marso 4. Ang kumatawan sa PRAs ay ang Overseas Placement Association of the Philippines (OPAP).
Kinondena ito ng OFW associations, non-government organizations, Philippine Association of Service Exporters Inc. at maging ni Chairman Roy V. Señeres ng National Labor Relations Commission (NLRC) dahilan sa ang ilang probisyon nito ay “hindi makatao at hindi makatarungan.”
Ilan sa mga lider ng OFW associations na bumatikos sa OPAP-SANARCOM contract ay kinondena rin si Secretary Patricia Sto. Tomas ng Department of Labor of Employment na ayon sa kanila ay nag-“hands-off” policy sa kontrobersiyal na kontrata.
Kahapon at kaninang umaga ay dinagsa tayo ng text messages mula sa ating 24-hour text messaging hotline na 0916-7421768 na humihiling kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na patalsikin na si Sto. Tomas na hindi man lamang nagpahayag ng pagkontra sa unified contract na may mga probisyon na lumalabag sa Republic Act 8042 o Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995 at iba pang batas sa Pilipinas.
Ang mga sumusunod ay ang sama-samang BOSES ng ating mga kapamilya:
Milagros DLR: Dapat sibakin na ni Gloria si Sec. Sto. Tomas dahil pinayagan niyang maging alipin ang ating mga OFW sa Saudi.
Henry C.: Maka-Saudi employer si Sto. Tomas at hindi maka-OFW kaya dapat tanggalin na siya sa serbisyo ni GMA.
Rey V.: Hindi nararapat na Labor secretary si Sto. Tomas dahil hindi siya nagmamalasakit sa aming mga OFW. Dapat sipain na siya ni Pres. Arroyo.
Tony Reyes: Dapat humanap si Pangulong Arroyo ng ipapalit kay Sec. Sto. Tomas na bukod sa responsable sa pagpapababa sa aming sahod sa Saudi ay pinabayaan pa niyang magkaroon ng kontrata na gagawin kaming mga alipin.
Mrs. Corpuz: Kawawa naman ang mister ko na kahit argabyado na ngayon sa Saudi ay nagtitiis pa para mapaganda ang aming buhay. Paano na kung maipatutupad na ang unified contract na maka-Saudi employer. Sana sibakin na ni GMA si Sec. Sto. Tomas at humanap ng makakapalit niyang maka-OFW.
Bert delos Angeles: Napapansin ko na imbes na ipaglaban ni Labor Sec. Sto. Tomas kaming mga OFW ay bumibigay pa ito sa mga dayuhang employers na tulad ng mga taga-Saudi. Dapat magkaroon na tayo ng bagong labor secretary na ipaglalaban ang ating karapatan. Sa unified contract kasi ay marami tayong karapatan na nawala.
* * *
Samantala, nabalitaan nga pala natin sa DOLE na ang kontrata na prinoseso sa Philippine Overseas Employment Administration sa pagitan ng OFW at dayuhang employer ang ipinatutupad at hindi ang sa OPAP-SANARCOM kaya’t wala munang dapat ipangamba ang ating mga OFW sa Saudi gayundin ang kanilang pamilya sa Pilipinas.
Kaugnay ng unified contract issue, bumuo ng special committee si Sto. Tomas na reresolba sa nasabing isyu. Ang chairman ng committee ay si Señeres at ang mga miyembro ay si Commissioner Tito Genilo at Arbiter Tess Lora ng NLRC at Director Jaime Gimenez ng POEA.
* * *
Para sa inyong opinyon, problema, reklamo o sumbong, sumulat lang sa: BOSES NG PAMILYANG OFWs c/o IMBESTIGADOR, 3/F A.M. Bldg., 28 Quezon Ave., Quezon City, 1113; mag-text sa 0916-7421768, mag-e-mail sa gearcom@philonline.com o bumisita sa POFW-SMENFI website na pamilyangofw-sme.org at i-type ang inyong mensahe sa Guest Book. Hanggang sa Miyerkules, Mabuhay ang Pamilyang OFWs!
| Name: Fe Javier |
| MY URL: Visit Me |
| Location: Tacloban City |
Comments:
Dapat payagan na ni Gloria ang pag-process sa POEA ng dokumento ng mga pa-Hong Kong. Kawawa naman ang pamilya ko.
| Name: Hilda Buenaventura |
| MY URL: Visit Me |
| Location: Hong Kong SAR |
Comments:
Ipinalangin nating lahat na OFWs na huwag matuloy ang giyera sa Middle East. Apektado tayong lahat pag natuloy ito.