Welcome to our Guestbook!


Current Page   Page 99   Page 98   Page 97   Page 96   Page 95   Page 94   Page 93  
Page 92   Page 91   Page 90   Page 89   Page 88   Page 87   Page 86   Page 85  
Page 84   Page 83   Page 82   Page 81   Page 80   Page 79   Page 78   Page 77  
Page 76   Page 75   Page 74   Page 73   Page 72   Page 71   Page 70   Page 69  
Page 68   Page 67   Page 66   Page 65   Page 64   Page 63   Page 62   Page 61  
Page 60   Page 59   Page 58   Page 57   Page 56   Page 55   Page 54   Page 53  
Page 52   Page 51   Page 50   Page 49   Page 48   Page 47   Page 46   Page 45  
Page 44   Page 43   Page 42   Page 41   Page 40   Page 39   Page 38   Page 37  
Page 36   Page 35   Page 34   Page 33   Page 32   Page 31   Page 30   Page 29  
Page 28   Page 27   Page 26   Page 25   Page 24   Page 23   Page 22   Page 21  
Page 20   Page 19   Page 18   Page 17   Page 16  Page 15   Page 14   Page 13  
Page 12   Page 11   Page 10   Page 9   Page 8   Page 7   Page 6   Page 5  
Page 4   Page 3   Page 2   Page 1  

Back to our Guest Book  | Sign Guestbook



04/01/03 00:12:16 GMT
Name: POFW-SMENFI MY URL: Visit Me
My Email: Email Me Location: Quezon City

Comments:
BOSES NG PAMILYANG OFWs Ni GEORGE A. ARRIOLA For March 31 (Monday) issue OFW may problema sa OIC ng Municipal Hall sa Cabangan, Zambales... Lumiham sa inyong lingkod si OFW Arlyn Diaz-Saito upang humingi ng tulong sa IMBESTIGADOR para maipaabot sa mga kinauukulan ang kanyang naging problema sa Officer-in-Charge ng Cabangan Municipal Hall sa Cabangan, Zambales. Bibigyan namin ng daan ang kanyang liham: Dear Mr. Arriola: I came across the “Boses ng Pamilyang OFWs” and I was happy to know that there is such a column like yours that extend assistance to the OFWs and their families. I am also an OFW and had been living in Japan for almost 9 years now. I am here in Manila for only a short while. I have a friend who asked for my help in processing her “Request for Change of First Name.” Since she hails from Cabangan, Zambales, I have to personally go to Cabangan Municipal Hall to arrange for her request. I was astounded to learn that the Officer-in-Charge in Cabangan Municipal Hall is not authorized to sign documents unless it is regarding the municipal budget. Hence, the request was not granted. I returned to Manila disappointed, with my time, effort and not to mention my money wasted. It is sad to note that the system existing in some of our government offices has not improved and remains to be mediocre in their services. Thus, I want to seek your assistance to call the attention of our government officials to implement stricter rules and regulations as well as a better standard procedure that will improve their services. Thank you for the opportunity you had given me. Very truly yours, ARLYN DIAZ-SATO * * * Makikipag-ugnayan ang IMBESTIGADOR sa kinauukulang ahensiya ng pamahalaan at ang resulta nito ay agad naming ilalathala. * * * Nagpapasalamat nga pala ang inyong lingkod kay Retired PAF Col. Ricardo L. Nolasco, Jr. na member ng Board of Trustees at chairman ng public relations and corporate affairs ng Air Materiel Wing Savings and Loan Association, Inc. na naging espesyal na panauhin namin noong Sabado sa public service program na “Pamilyang OFWs-SMEs” sa DZRJ 810 AM. Ang dating chairman at president ng AMWSLAI ay nagbigay ng mga mahahalagang impormasyon upang ang ating mga kapamilyang OFWs ay hindi mabiktima ng mga pyramiding syndicates. Nagbigay din siya ng mga halimbawa ng investment opportunities na bukod sa maliit ang puhunan ay magagamit din ng OFW ang kanyang abilidad. * * * Marami pa rin tayong mga OFWs na naargabyado sa ibang bansa na pagdating dito ay nagsasampa ng reklamo sa kanilang recruitment agency at employer pero hanggang sa ngayon ay mailap pa rin ang katarungan, ayon kay kapamilyang Atty. J. Oswald B. Lorenzo na pangulo ng OFW Protect. Inihalintulad niya ang kalagayan nina OFWs Willie Muli, Angel Barcela, Lloyd Arcaydo, Marcelo Tercias, Nilo Dumon, Ruel Gutierrez, Michael Rollon, George Manlangit, Nestor Cabuga at Ruel Rosalin na nagsampa sa National Labor Relations Commission ng kasong illegal dismissal, non-payment of salaries at damages laban sa kanilang agency na Mahal Technical Management Services at sa employer nilang Fouzi Bondagjy Est. for Technical Support & Trading. Ang naging desisyon ni Labor Arbiter Elias Salinas sa nasabing kaso na kanyang ipinalabas noon pang Hunyo 8, 2001 ay nagkasala ang agency at ang employer ng illegal dismissal kaya’t inatasan ang mga ito na bayaran ng kabuuang US18,700.00 ang mga nabanggit na OFWs na nagtrabaho sa Saudi. Ayon kay kapamilyang Oswald, hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nababayaran ang mga kawawang OFWs na ipinakulong pa ng kanilang employer matapos na hindi magtrabaho dahilan sa hindi sila pinasasahod. Hanggang sa Miyerkules, Mabuhay ang OFWs! # # # BOSES NG PAMILYANG OFWs Ni GEORGE A. ARRIOLA For March 28 (Friday) issue OFWs sa KSA, nangangamba sa kanilang kaligtasan Nangangamba ang ating mga OFW na nasa Kingdom of Saudi Arabia sa kanilang kasalukuyang kalagayan habang patuloy pa rin ang sagupaan sa pagitan ng Coalition Forces at Iraq. Ito ang ipinaabot kahapon sa IMBESTIGADOR, sa pamamagitan ng ating e-mail address na gearcom@philonline.com, ng mga OFW sa KSA na malapit sa border ng Iraq. Ang ilan ay ang BOSES ng OFWs na nakikiusap na huwag banggitin ang kanilang mga pangalan sa pangambang mapag-initan umano sila ng mga opisyal sa ating Philippine Embassy sa Riyadh: “Wala pang relocation sites sa Dammam at Riyadh. Paano na kung ang giyera ay tumagal?” “Akala namin ay may mga bus kami na masasakyan sakaling kailanganin na mai-relocate kami? Hanggang sa ngayon ay wala pa kaming nakikitang bus. Akala ko ba, handa ang administrasyong Arroyo?” “Walang ipinamamahaging gas mask sa aming OFWs. Paano na lang kung gumamit ng biochemical weapons ang Iraq sa KSA?” “Kulang sa pagpapalaganap ng impormasyon sa aming mga OFW ang ating Embahada kaya’t karamihan sa amin ay hindi alam ang gagawin sakaling umatake ang tropa ni Saddam sa Saudi.” “Dapat bigyan din ng prayoridad ni Ambassador Roy Cimatu ng Middle East Contingency Team ang mga OFW sa KSA na malapit sa border ng Iraq . Ang prayoridad kasi nila ay ang mga OFW sa Kuwait.” Nananawagan ang IMBESTIGADOR sa Department of Foreign Affairs at sa iba pang kinauukulang ahensiya ng pamahalaan na tugunan ang mga nasabing problema ng ating mga kababayan sa KSA. * * * Samantala, patuloy pa rin ang ilang pyramid syndicates sa kanilang mga iligal na aktibidad at nanghihikayat pa sa ilan nating kapamilyang OFWs na mag-invest sa kanilang kompanya. Nai-text sa IMBESTIGADOR ni Wilma dela Cruz ng Hong Kong na nag-o-organisa ang isang pyramiding company ng business opportunities seminar tuwing Linggo sa isang kilalang restaurant sa Kowloon upang manghikayat ng mga investors. Nakatanggap din tayo ng text message mula naman kay OFW Nelia Monzon ng Calamba, Laguna, na biktima naman ng Tibayan. Ayon sa kanya, nakapag-file na siya ng reklamo laban sa nasabing pyramiding company sa National Bureau of Investigation. Kaugnay nito, inaanyayahan namin ang ating mga kapamilyang OFWs na makiisa sa “Pamilyang OFWs-SMEs!” public service program bukas sa DZRJ 810 AM (9-10 a.m.) at sa Kabayan Radio (7:30-8:30 p.m.). Ang programa sa Kabayan Radio ay napapakinggan sa ilang panig ng bansa gayundin sa Hong Kong, Taiwan at Macau. Tatalakayin sa mga nabanggit na programa ang pyramiding activities at kung paano makakaiwas sa mga pyramid syndicates. Ang nasabing programa -- na nagsisilbing forum sa pagitan ng pamilyang OFWs at pamahalaan gayundin sa iba pang sektor na may kinalaman sa overseas employment industry – ay pinangungunahan ng inyong lingkod, Atty. J. Oswald Lorenzo na pangulo ng OFW Protect at POFW-SMENFI Vice Pres. Gerry Ong. * * * Sa Linggo nga pala, ang kukunan natin ng reaksyon sa KASALI KA KAIBIGAN sa Pamilyang OFWs Section, ay ang katanungang “”Dapat bang higpitan ang deployment ng OFWs sa Middle East?” at “May Oportunidad pa ba sa Hong Kong sa kabila ng wage cut at live-in policy”? kaya’t text na po kayo sa 0916-7421768 o mag-e-mail sa gearcom@philonline.com. Iyon nga palang mga kapamilyang OFWs natin na nais na mag-contribute ng mga artikulo sa ating Pamilyang OFWs Section ay inaanyayahan namin na ipadala ito sa PAMILYANG OFWs c/o IMBESTIGADOR, 3/F A.M. Bldg., 28 Quezon Ave., Quezon City, 1113. Hanggang sa Linggo, Mabuhay ang Pamilyang OFWs! # # # BOSES NG PAMILYANG OFWs Ni GEORGE A. ARRIOLA For March 26 (Wednesday) issue Call centers malaking tulong sa pamilyang OFWs Malaking tulong sa pamilya ng OFWs ang mga call centers na binuksan nang salakayin noong Lunes ng United States-United Kingdom Coalition ang Iraq. Kabilang sa mga binuksan ay ang sa Overseas Workers Welfare Administration sa may Pasay City at ang Oplan Kalinga Call Center sa may Ninoy Aquino Stadium (dating Rizal Memorial Coliseum) malapit sa Harrison Plaza Complex sa Maynila. Nai-text sa IMBESTIGADOR ni Efren na nakatawag siya sa 24-hour OWWA Call Center at kanyang namang nakausap ang kanyang asawang si Josie na nasa Saudi Arabia na nagsabing mabuti naman ang kalagayan nito. Ipinaabot din ni Roger sa OWWA, sa pamamagitan ng IMBESTIGADOR, ang kanyang pasasalamat makaraang makausap niya ang kanyang kapatid na nasa Saudi Arabia na nagsabing huwag mag-alala ang kanyang pamilya sa Pilipinas dahilan sa wala naman silang dapat ipangamba. Samantala, si Janet ay nagpadala ng text message sa atin upang ipaabot ang kanyang pasasalamat sa Office of the Press Secretary at sa Presidential Action Center na aniya’y nag-sponsor sa libreng tawag sa kanyang mister na nasa Riyadh. Maging si Erlinda, na ang asawa ay nasa Gitnang Silangan, ay nag-text din upang pasalamatan ang dalawang ahensiya ng pamahalaan na responsible sa proyektong Oplan Kalinga Call Center. Ang Call Centers sa mga nasabing lugar ay 24-oras na nagse-serbisyo publiko sa pamamagitan ng pagkakaloob ng libreng tawag sa pamilyang OFWs. Malaking bagay ang libreng tawag dahilan sa malalaman ng pamilya dito ang kalagayan ng kanilang mga mahal sa buhay na nasa Gitnang Silangan. * * * Bibigyan naman namin ng daan ang BOSES ng OFWs at kanilang pamilya kaugnay ng giyera sa Iraq: Jaime Flores: Ipanalangin natin na matapos na agad ang giyera sa Iraq dahilan sa kapag tumagal pa ito ay apektado na rin ang trabaho natin sa Saudi. John A.: Tila matatagalan bago matapos ang giyera dahilan sa matindi ang depensa ni Saddam sa Baghdad. Akala ko ba, hindi patatagalin ni Bush ang giyera? Carlos Pineda: Naniniwala ako na magtatagumpay ang Amerika at susuko na si Saddam. Hindi na magtatagal at matatapos na ang giyera. Paulyn Valmores: Kasama ang asawa ko sa bumalik dito makaraang lusubin ng US ang Iraq. Sana, hindi muna sinalakay ng Amerika ang Iraq at hinintay muna nito ang UN resolution. Celso Manansala: Sa palagay ko, may mga armas nukleyar pa ang Iraq na hindi pa nila ginagamit sa Amerika at gagamitin nila ito sakaling pumasok na sa Baghdad ang Coalition forces. Marami pa kaming text messages mula sa aming 24-hour text messaging hotline na 0916-7421768 at sa e-mail address na gearcom@philonline.com pero hindi namin ito lahat mailalathala dahilan sa kakulangan ng espasyo. Salamat kina Lourdes Reyes, Sancho Tolentino, Mel Valdez at Estie dela Cruz na pawang nananawagan sa ating mga kapamilyang OFWs na manalangin na matapos na agad ang giyera sa Iraq. Sa Linggo nga pala, ang kukunan natin ng reaksyon sa KASALI KA KAIBIGAN sa Pamilyang OFWs Section, ay ang katanungang “”Dapat bang higpitan ang deployment ng OFWs sa Middle East?” at “May Oportunidad pa ba sa Hong Kong sa kabila ng wage cut at live-in policy”? kaya’t text na po kayo sa 0916-7421768 o mag-e-mail sa gearcom@philonline.com. Hanggang sa Biyernes, Mabuhay ang Pamilyang OFWs! # # # BOSES NG PAMILYANG OFWs Ni GEORGE A. ARRIOLA For March 19 (Wednesday) issue Suspension sa pag-isyu ng ARBs ipinaaalis ng OPAs Ibig ng mga overseas performing artists (OPAs) na ipaalis na sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang suspension sa pag-i-isyu ng artist record book (ARB). Magugunitang kamakailan ay nagdesisyon ang TESDA governing board na pansamantalang isuspinde muna ang ARB issuance. Ang mga sumusunod ay ang sama-samang BOSES ng OPAs na nai-text sa IMBESTIGADOR: Thelma: I-lift na sana ang suspension sa pag-isyu ng ARB. Nakapasa na ako pero bale-wala ito dahilan sa hindi pa ako makaaalis. Connie D.: Bakit inihinto ng TESDA ang pag-isyu ng ARB? Paano na ang pamilya ko na umaasa na makaaalis na ako? Dapat ituloy ulit ng TESDA ang pag-isyu ng ARB para makabiyahe na ako. Hazel: Talagang may iregularidad sa TESDA pero hindi dapat ito naging hadlang upang isuspinde nila ang pag-isyu ng ARB. Kawawa naman kaming nakapasa na pero hindi maisyuhan ng ARB. Eva T.: Sana tulungan kami ng IMBESTIGADOR na maipaabot sa pamunuan ng TESDA ang aming problema sa ARB. Dapat ay naisyuhan na kami noong isang linggo pero sinabihan kami sa TESDA na pansamantalang sinuspinde muna nila ang ARB issuance. Alma B.: Dapat lang na imbestigahan ang mga nasangkot sa iregularidad sa pag-isyu ng ARB pero dapat ituloy ng TESDA ang pag-isyu ng ARB upang hindi naman maapektuhan ang mga talents na tulad ko na pasado na at ang hinihintay na lamang ay ang ARB. * * * Samantala, narito naman ang text messages na may kinalaman sa maagang pangongolekta ng placement fee: Greg: Nag-apply ako sa Sandawa International Placement Agency upang magtrabaho sa Korea. Pinag-fill up ako ng application at pagkatapos nito ay hinihingan ako ng P20,000 downpayment para daw sa kabuuang P120,000 na placement fee. Legal po ba ang maagang pangongolekta ng Sandawa? G.A.A.: Ilegal po ito. Katunayan, dalawang recruitment agencies na ang kinansela ng Philippine Overseas Employment Administration ang lisensiya makaraang mapatunayang maagang nangongolekta ng placement fee. Ito ay ang Darwin Manpower International Services at ang RF Horizon Recruitment Agency Corporation. Sa kaso mo, sobra din ang sinisingil na placement fee ng Sandawa International. Gusto ko ring malaman mo na bagamat “good standing” ang record ng nasabing agency sa POEA ay napag-alaman namin na ang iniaalok nilang trabaho ay para sa Saudi Arabia lamang at wala sa Korea. Para sa iyong kabatiran, nakikipag-ugnayan na kami sa POEA upang maimbestigahan na ang Sandawa International na inireklamo na sa POEA ni Paul Molina na umano’y pinagbayad ng agency ng kabuuang P120,000 bilang placement fee sa kanyang pagtungo sa Korea upang doon magtrabaho. Celso Villar: Bakit maraming recruitment agencies ang nagpapalabas ng ad sa dyaryo na may trabaho pero pag nag-apply ka na at tinanong mo kung ilan ang kailangan ay sasabihin sa iyo na maghintay ka na muna at ang kanilang ginagawa ay manpower pooling? Dapat na imbestigahan ng POEA ang mga agency na gumagawa nito. G.A.A.: Hindi mo nai-text ang pangalan ng agency kaya’t hindi kami makaka-aksyon sa iyong reklamo. * * * Para sa inyong opinyon, problema, reklamo o sumbong, sumulat lang sa: BOSES NG PAMILYANG OFWs c/o IMBESTIGADOR, 3/F A.M. Bldg., 28 Quezon Ave., Quezon City, 1113; mag-text sa 0916-7421768, mag-e-mail sa gearcom@philonline.com o bumisita sa POFW-SMENFI website na pamilyangofw-sme.org at i-type ang inyong mensahe sa Guest Book. Hanggang sa Miyerkules, Mabuhay ang Pamilyang OFWs! # # #



04/01/03 00:01:47 GMT
Name: Helen Suarez
MY URL: Visit Me
Location: Hong Kong

Comments:
Gusto ko lang po na ipaabot sa ating mga kapamilyang OFWs na hindi biro ang problema sa SARS kaya't dapat lang na mag-ingat tayon sa mabilis na makahawang sakit na ito.



03/28/03 14:30:20 GMT
Name: Jane Torres
MY URL: Visit Me
Location: Taiwan

Comments:
Good pm kay Celso, kay Jun-Jun at Betty pati na rin sa mga kamag-anak ko sa Isabela.



03/21/03 20:02:30 GMT
Name: Dorothy Crisostomo
MY URL: Visit Me
Location: Las Pinas

Comments:
Garapal po talaga ang bentahan ng Artist Record Book. Talo ng may panlagay ang may talent. Pag may panlagay, biyahe agad! Pag wala, maghintay ka muna.



03/19/03 00:25:37 GMT
Name: Vilma Rosales
MY URL: Visit Me
Location: Hong Kong

Comments:
Manalangin po tayong lahat na OFWs na huwag matuloy ang giyera sa Middle East. Milyon sa ating mga OFWs ang maaapektuhan kapag nagka-giyera doon.



Current Page   Page 99   Page 98   Page 97   Page 96   Page 95   Page 94   Page 93  
Page 92   Page 91   Page 90   Page 89   Page 88   Page 87   Page 86   Page 85  
Page 84   Page 83   Page 82   Page 81   Page 80   Page 79   Page 78   Page 77  
Page 76   Page 75   Page 74   Page 73   Page 72   Page 71   Page 70   Page 69  
Page 68   Page 67   Page 66   Page 65   Page 64   Page 63   Page 62   Page 61  
Page 60   Page 59   Page 58   Page 57   Page 56   Page 55   Page 54   Page 53  
Page 52   Page 51   Page 50   Page 49   Page 48   Page 47   Page 46   Page 45  
Page 44   Page 43   Page 42   Page 41   Page 40   Page 39   Page 38   Page 37  
Page 36   Page 35   Page 34   Page 33   Page 32   Page 31   Page 30   Page 29  
Page 28   Page 27   Page 26   Page 25   Page 24   Page 23   Page 22   Page 21  
Page 20   Page 19   Page 18   Page 17   Page 16  Page 15   Page 14   Page 13  
Page 12   Page 11   Page 10   Page 9   Page 8   Page 7   Page 6   Page 5  
Page 4   Page 3   Page 2   Page 1  

Back to our Guest Book  | Sign Guestbook

Kaftos.com Search The Internet