Welcome to our Guestbook!


Current Page   Page 99   Page 98   Page 97   Page 96   Page 95   Page 94   Page 93  
Page 92   Page 91   Page 90   Page 89   Page 88   Page 87   Page 86   Page 85  
Page 84   Page 83   Page 82   Page 81   Page 80   Page 79   Page 78   Page 77  
Page 76   Page 75   Page 74   Page 73   Page 72   Page 71   Page 70   Page 69  
Page 68   Page 67   Page 66   Page 65   Page 64   Page 63   Page 62   Page 61  
Page 60   Page 59   Page 58   Page 57   Page 56   Page 55   Page 54   Page 53  
Page 52   Page 51   Page 50   Page 49   Page 48   Page 47   Page 46   Page 45  
Page 44   Page 43   Page 42   Page 41   Page 40   Page 39   Page 38   Page 37  
Page 36   Page 35   Page 34   Page 33   Page 32   Page 31   Page 30   Page 29  
Page 28   Page 27   Page 26   Page 25   Page 24   Page 23  Page 22   Page 21  
Page 20   Page 19   Page 18   Page 17   Page 16   Page 15   Page 14   Page 13  
Page 12   Page 11   Page 10   Page 9   Page 8   Page 7   Page 6   Page 5  
Page 4   Page 3   Page 2   Page 1  

Back to our Guest Book  | Sign Guestbook



06/10/03 12:25:30 GMT
Name: George Arban Arriola MY URL: Visit Me
My Email: Email Me Location: Quezon City

Comments:
BOSES NG PAMILYANG OFWs Ni GEORGE A. ARRIOLA For June 11 (Wednesday) issue Ilegal na OFW Bank fund solicitation campaign isasagawa sa Jeddah Patuloy pa rin sa kanilang ilegal na pangangalap ng pondo ang OFW Net Foundation, Inc. at OFW International Holdings, Inc para sa kanilang umano ay itatayong OFW Bank. Ito ang ibinalita sa pamamagitan ng ating e-mail addresss na gearcom@philonline.com ng isa nating kapamilyang OFW sa Jeddah na nagsabing ang OFW Bank project ay nakatakdang iprisinta ng isang Jimmy Leonida sa isang seminar-workshop na gaganapin sa Sabado (Hunyo 14) sa Tropicana Restaurant sa may kanto ng Tahlia St. at Madinah Road. Ang nasabing seminar-workshop ay inorganisa ng Overseas Filipino Workers Cooperative Council (OFWCC) para sa mga Filipino na nasa Jeddah na nagpaplanong mag-negosyo. Ayon sa ating kapamilyang nakiusap na huwag banggitin ang kanyang pangalan, ang tinaguriang “8th Entrepreneurship and Livelihood Seminar” ay sinimulan noon pang Mayo 24 at magtatapos sa Sabado. Ito aniya ay itinataguyod ng Philippine Overseas Labor Officers at Overseas Workers Welfare Administration at may patnubay ng Philippine Consulate General. Sinabi ni OFWCC spokesman at education committee chairman Fred Castolome na layunin ng seminar-workshop na ibahagi ng mga resource speaker ang kanilang expertise ng libre upang mabigyan ng gabay ang mga kapwa-OFW sa kanilang future business ventures. Sa Sabado, ang paksa ay investment opportunities at inaasahang kukumbinsihin ni Leonida ang mga kapwa-OFW na mag-invest sa umano’y itatayo ng OFW Net Foundation, Inc. at OFW International Holdings, Inc. na OFW Bank sa Year 2006. Kaugnay nito, nananawagan ang ating kapamilyang OFW sa IMBESTIGADOR at sa Task Force against Illegal Recruitment and Investment Scams o TIRIS sa “Pamilyang OFWs-SMEs News Bureau” sa DZRJ 810 AM at Kabayan Radio na ipagpatuloy ang pinasimulan na nating pagbubulgar (kasama sina Atty. J. Oswald Lorenzo at Gerry Ong) sa mga ilegal na aktibidad ng dalawang organisasyon upang matigil na ang mga nasa likod nito sa pangangalap ng pondo na isang malinaw na panloloko sa dahilan na wala naman itong lisensiya mula sa Securities and Exchange Commission at sa Bangko Sentral ng Pilipinas na magsagawa ng quasi-banking activities na tulad ng investment solicitation. * * * Samantala, bibigyan na po muna natin ng espasyo ang ilan sa mga natanggap ng IMBESTIGADOR na text messages mula sa ating 24-hour text messaging hotline na 0916-7421768: Aurora Vergara ng Pampanga: Sa IMBESTIGADOR at sa inyong programa sa radyo ko lamang nalaman na ilegal pala ang operasyon ng OFW Net at OFW Holdings. Kamuntik na po akong mag-invest nang dumalo ako sa kanilang exhibit sa SM Megatrade. Salamat na lamang at nakapagbigay kayo ng warning sa amin at sa iba ko pang kasamahan na nagbabakasyon sa Pilipinas. Willie Cruz ng Kawit, Cavite: Regular po akong nagbabasa ng inyong kolum sa IMBESTIGADOR at nakikinig sa inyong programang Pamilyang OFWs-SMEs News Bureau sa DZRJ. Nakikiisa po ako at ang mga kasamahan ko sa Saudi Arabia na i-expose ninyo ang panggagantso na isinasagawa ng OFW Net Foundation at OFW International Holdings sa OFWs, partikular na sa mga nasa Saudi. Sana ay tuloy-tuloy ang expose ninyo hanggang sa tuluyang mapatigil na ang mga katarantaduhan ng mga namumuno sa dalawang organisasyon. Narciso Gatdula ng Rizal: Okay ang mga expose ninyo sa OFW Bank. Sana mapatigil na ang operasyon ng OFW Net Foundation at OFW International Holdings at nang hindi na sila makapanloko pa. Mabuhay kayo diyan sa IMBESTIGADOR. * * * Simula nga po pala ngayon ay mababasa na ng regular ng ating mga kapamilyang OFW na nasa ibang bansa ang BOSES NG PAMILYANG OFWs sa pamamagitan ng pagbisita sa website na: pamilyangofw-sme.org at mag-log sa Guest Book. Pwede rin po ninyong gawing forum ang nasabing website na sadyang nilikha para sa ating milyon-milyon na mga kapamilyang OFW. Hanggang sa Biyernes, mabuhay ang pamilyang OFWs!



06/08/03 00:08:31 GMT
Name: Norman Deloso
MY URL: Visit Me
Location: Navotas

Comments:
Informative ang radio program ninyo sa DZRJ. Angkop sa akin at sa mga kasamahan kong OFW ang inyong mga expose sa illegal recruitment cases at investment scams. Okay din ang napakinggan namin na Pamilyang OFW-SME Food Cart Livelihood Package na P60,000 lamang. Mabuhay kayo at sana ay ipagpatuloy ninyo ang pagpapalaganap ng mga mahahalagang impormasyon na magiging gabay namin sa pang-araw-araw na buhay.



06/05/03 12:45:15 GMT
Name: Glenda Tuazon
MY URL: Visit Me
Location: Hong Kong

Comments:
Nababasa ko po sa Peoples Tonight International Edition ang tungkol sa mga programa ninyo para sa aming OFWs at pamilya. Sana po ay magtatag kayo ng chapter dito.



06/04/03 23:28:12 GMT
Name: Aurora Vergara
MY URL: Visit Me
Location: Pampanga

Comments:
Sa inyong programa sa radyo at pitak sa Imbestigador ko lamang nalaman na illegal pala ang operasyon ng OFW Net at OFW Holdings. Kamuntik na po akong mag-invest nang dumalo ako sa kanilang exhibit sa SM Megatrade. Salamat na lamang at nakapagbigay kayo ng warning sa amin at sa iba ko pang kasamahan na nagbabakasyon ngayon sa Pilipinas.



06/04/03 23:11:00 GMT
Name: Willie Corpuz
MY URL: Visit Me
Location: Kawit, Cavite

Comments:
Regular po akong nakikinig sa inyong programang Pamilyang OFWs-SMEs News Bureau sa DZRJ at nagbabasa sa inyong kolum sa IMBESTIGADOR. Nakikiisa po ako at ang mga kasamahan ko sa Saudi Arabia na i-expose ninyo ang panggagantso na isinasagawa ng OFW Net Foundation at OFW International Holdings sa OFWs, partikular na sa mga nasa Saudi. Sana ay tuloy-tuloy ang expose ninyo hanggang sa tuluyang mapatigil na ang mga katarantaduhan ng mga namumuno sa dalawang organisasyon.



06/03/03 14:57:17 GMT
Name: Narciso Gatdula
MY URL: Visit Me
Location: Rizal

Comments:
Okay ang mga expose ninyo sa OFW Bank. Sana mapatigil na ang operasyon ng OFW Net Foundation at OFW International Holdings at nang hindi na sila makapanloko pa. Mabuhay ang inyong programa at kolum sa Imbestigador.



06/03/03 00:06:47 GMT
Name: Mar del Rosario
MY URL: Visit Me
Location: Saudi Arabia

Comments:
Mabuti naman at ini-expose ninyo ang mga ilegal na aktibidad ng OFW Net Foundation, Inc. at OFW International Holdings, Inc. para matigil na ang kanilang OFW Bank fund solicitation campaign. Mabuhay kayo!



Current Page   Page 99   Page 98   Page 97   Page 96   Page 95   Page 94   Page 93  
Page 92   Page 91   Page 90   Page 89   Page 88   Page 87   Page 86   Page 85  
Page 84   Page 83   Page 82   Page 81   Page 80   Page 79   Page 78   Page 77  
Page 76   Page 75   Page 74   Page 73   Page 72   Page 71   Page 70   Page 69  
Page 68   Page 67   Page 66   Page 65   Page 64   Page 63   Page 62   Page 61  
Page 60   Page 59   Page 58   Page 57   Page 56   Page 55   Page 54   Page 53  
Page 52   Page 51   Page 50   Page 49   Page 48   Page 47   Page 46   Page 45  
Page 44   Page 43   Page 42   Page 41   Page 40   Page 39   Page 38   Page 37  
Page 36   Page 35   Page 34   Page 33   Page 32   Page 31   Page 30   Page 29  
Page 28   Page 27   Page 26   Page 25   Page 24   Page 23  Page 22   Page 21  
Page 20   Page 19   Page 18   Page 17   Page 16   Page 15   Page 14   Page 13  
Page 12   Page 11   Page 10   Page 9   Page 8   Page 7   Page 6   Page 5  
Page 4   Page 3   Page 2   Page 1  

Back to our Guest Book  | Sign Guestbook

Kaftos.com Search The Internet