|
| Name: George Arban Arriola | MY URL: Visit Me |
| My Email: Email Me | Location: Quezon City |
Comments:
BOSES NG PAMILYANG OFWs SA PAHAYAGANG IMBESTIGADOR
Ni GEORGE A. ARRIOLA
For June 16 (Monday)2003 issue
Exclusive Report ng Imbestigador at TIRIS: P120 bilyon
natangay sa 2 milyong investors ng Top 9 Investment Scammers (1)
Umaabot na sa P120 bilyon ang natangay ng Top 9 Investment Scammers mula sa tinatayang 2 milyon na investors, kabilang na ang pamilyang OFWs. Ito ay batay sa mga impormasyon at statistika na nakalap ng IMBESTIGADOR at Task Force Against Illegal Recruitment and Investment Scams o TIRIS mula sa iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno na may kinalaman sa pyramid o investment scams.
Mula nang ilunsad ng inyong lingkod, Atty. J. Oswald Lorenzo at Gerry Ong ang TIRIS sa DZRJ 810 AM at Kabayan Radio mahigit isang buwan na ang nakararaan ay patuloy na ang aming isinasagawang pakikipag-ugnayan at pakikipag-tulungan sa mga opisyal ng Securities and Exchange Commission, National Bureau of Investigation at Bangko Sentral ng Pilipinas upang mailantad ang mga nasa likod ng investment scams at nang sila ay makasuhan at maaresto.
Bilang serbisyo publiko ay inilalathala namin ang mga mahahalagang impormasyon upang hindi na tayo makasama pa sa napakalaking bilang ng mga nabiktima ng mga nabanggit na investment scammers na ang ilan sa mga hindi pa naaaresto ay nabalitaan namin na nagtatayo na naman ng mga katulad na korporasyon na naglalayong makapanloko sa marami pa nating kababayan, kabilang na ang pamilyang OFWs na karamihan ay madaling maniwala. Nasabi namin ito sa dahilan na may mga dumudulog sa amin na sa hangad pa lamang na makapagtrabaho sa ibang bansa ay nakapagbigay na nang mula P70,000 hanggang P200,000 bilang umano ay placement fee samantalang wala naman silang resibo na pinanghahawakan at walang nakikitang job order gayundin ng mga nag-invest na sa MMG, Tibayan, H-Factor, Kimberly Management at iba pa na sa ngayon ay problemado kung paano nila mababawi ang kanilang peso at dollar investments.
Tinatawagan din namin ang ating mga kapamilyang OFW na alam kung saan nagtatago ang mga babanggitin naming personalidad na makipag-ugnayan sa IMBESTIGADOR o TIRIS upang madakip at makulong na ang mga ito.
Ang Top 9 Investment Scammers ay ang mga sumusunod: Multinational Telecom Holdings, Inc. (Multitel); MMG International Holdings, Co. Ltd. (kilala rin bilang MMG International Holdings, Inc. at Mateo Management Group o MMG); Maria Teresa Santos Trading (MTST); Tibayan Group Investment Co., Inc. (TGIC); Asia-Pacific Alliance Management, Inc. (APAMI); Kimberly Management/EUROCOM Business Center na marketing arm ng Asia Capital Financial Corporation; Philsuisse Financial Services and Consultancy; ICS Export, Inc.; at Lead Lending Corporation (LLC).
Narito naman ang impormasyon sa mga nabanggit na kompanya:
1. Multinational Telecom Holdings, Inc. Umaabot na sa 498 ang kabuuang bilang ng complainants na nakapag-invest ng P134 milyon at US$652,000. Tinatayang may 950,000 katao ang nakapag-invest sa nasabing kompanya. Ang mga personalidad sa Multitel ay sina Rosario Baladjay (naaresto na), Saturnino Baladjay, Rodolfo Pagtalunan, Jr., Julius Gonzalo Fuentebella, Marissa Castulo, Marlene Santuile, Vicente Ramo, Gina Datu, Leonora Rimando, Jaimelyn Cayaban, Alma Provido, Brigida Ochosa, Bella Dacutanan at Laarni Clavel.
2. MMG International Holdings, Co. Ltd. May 2,800 na ang complainants na nag-invest ng P670 milyon at US$630,000. Ang mga nasa likod nito ay sina Ervin Mateo (naaresto na), Evelyn Mateo, Atty. Brenda Baarde (naaresto na), Romeo Esteban, Estela Ledesma, Emma Sacro at Joselito Zapanta.
3. Maria Teresa Santos Trading. Umabot na sa 1,724 ang complainants na nakapag-invest ng P425 milyon. Nasa likod ng kompanya sina Maria Teresa Santos (naaresto na), SPO3 Orlando Santos, Vanessa Santos-Manalastas, Troy Manalastas, SPO3 Alex Cacananta, Teofines Cebujano, PO3 Lyndon Dimaiwat, Cristy Mendoza, Tess Miraveles, Jommel Duenas, Ricardo Rapanot, Po1 Nestor Mangabat Lavarias at Rolly Tecson.
Sa Miyerkules na ipagpapatuloy ng IMBESTIGADOR at TIRIS ang Exclusive Report sa mga investment scams na maituturing natin na economic sabotage. Hanggang sa muli, mabuhay ang pamilyang OFWs!
| Name: George Arban Arriola | MY URL: Visit Me |
| My Email: Email Me | Location: Quezon City |
Comments:
BOSES NG PAMILYANG OFWs sa PAHAYAGANG IMBESTIGADOR
Ni GEORGE A. ARRIOLA
For June 13 (Friday) issue
RP Independence Day celebration sa Brunei, tagumpay
Bibigyan natin ng espasyo ang ilang mga kaganapan sa Brunei na ini-e-mail sa IMBESTIGADOR at sa inyong lingkod (gearcom@philonline.com) ng ating kapamilyang OFW na nasa nasabing bansa:
BRUNEI – Parang piyesta sa may Pusat Belia na nasa kapital ng Sultanate nang matagumpay na ipagdiwang ng Filipino community ang ika-105 na anibersaryo ng proklamasyon ng Philippine Independence Day noong Linggo.
Pinangunahan ni Philippine Ambassador to Brunei, Mrs. Virginia Benavidez, ang selebrasyon sa pamamagitan ng pagbasa ng kanyang mensahe na may temang "For a Strong Republic" na isang patuloy na panawagan para sa mga responsable at mapagmahal sa kalayaan na Filipino na magkaisa.
"We all have to do our part here in Brunei Darussalam, back in the Philippines, or wherever Filipinos may be - to help President Gloria Macapagal-Arroyo's vision of a Strong Republic a reality," sabi ng ambassador.
Sa kabila ng mainit na umaga, pinasaya ni Carmi ang Filipino community sa pamamagitan ng pagkanta ng “Bongga Ka Day.”
Si Carmi ay nagtungo sa Brunei upang koronahan ang mga magwawagi sa "Miss Overseas Filipino Worker 2003" na tampok sa isang-araw na selebrasyon. Si Rulita Afable, 25 anyos na sales manager ng Holiday Lodge, ang tinanghal na Miss Overseas Filipina Worker 2003. Siya rin ang nagwagi sa Best Gown, Best Filipina Dress, Best Sports Wear at Miss Photogenic.
Samantala, si Arlene Quiambao, 22 anyos na sales assistant, ang naging first runner-up habang si Michelle Mariano, 26 anyos na food attendant, ang second runner-up.
Sa nasabing okasyon, iprinoklama ng Filipino Association (FA) ang mga nanalo sa Little Miss Philippines 2003, Dancing King and Queen at Singing Contest Grand Finals.
Sinabi ni FA president Jesse James Agustin na si Elaine M Valencia ang tinanghal na Little Miss Philippines 2003 samantalang si Jheriemiah Joyce Flaviano ang lst runner up at si Christina Marie Subaan ang 2nd runner-up.
Ang tinanghal naman na Dancing King and Queen 2003 ay si Gerry, na hairstylist, at Raquel, na aerobics at dance instructor. Nag-2nd place naman sina Danz at Natty habang nag-3rd place sina Cons at Beverly.
Si Daniel Jimenez ang nag-champion sa karaoke singing competition. Si Jose Besamot ang nag-2nd place at si Bobby Boac ang nag-3rd place.
* * *
Samantala, ipagpapatuloy ng IMBESTIGADOR at ng inyong lingkod, Atty. J. Oswald B. Lorenzo (pangulo ng Center for the Welfare, Protection and Legal Defense of OFWs, Inc.) at Gerry Ong ang pagbubulgar sa mga illegal recruiters at investment scammers bukas sa pamamagitan ng Task force against Illegal Recruitment and Investment Scams o TIRIS sa “Pamilyang OFWs-SMEs News Bureau” sa DZRJ 810 AM (9-10 a.m.) at Kabayan Radio (7:30-8:30 p.m.)
Bukod sa mga expose, magbibigay din ng tips ang mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan upang hindi maloko ang ating mga kapamilya ng illegal recruiters at pyramiding syndicates gayundin ng mga mahahalagang impormasyon kung saan mainam na mag-invest ang pamilyang OFWs.
Kaugnay nito, inaanyayahan namin ang mga naging biktima ng illegal recruitment at investment scams na ibulgar ang mga nambiktima sa kanila -- upang kung di man tuluyang mapigil ay mabawasan ang insidente ng pananamantala ng mga nasabing masasamang elemento -- sa pamamagitan ng pagliham sa: BOSES NG PAMILYANG OFWs c/o IMBESTIGADOR, 3/F A.M. Bldg., 28 Quezon Ave., Quezon City, 1113. Hanggang sa Lunes, mabuhay ang pamilyang OFWs!
| Name: Ryan Alvarez |
| MY URL: Visit Me |
| Location: Saudi Arabia |
Comments:
I was able to read some of your press releases in People's Tonight (International Edition) regarding your foundation's upcoming expo for the OFW families from June 27 to 29 at the PTTC in Pasay City. I already asked my wife to visit the expo so that she and my two kids will have some information on livelihood programs. More power to your ogranization.
| Name: Ryan Alvarez |
| MY URL: Visit Me |
| Location: Saudi Arabia |
Comments:
I was able to read some of your press releases in People's Tonight (International Edition) regarding your foundation's upcoming expo for the OFW families from June 27 to 29 at the PTTC in Pasay City. I already asked my wife to visit the expo so that she and my two kids will have some information on livelihood programs. More power to your ogranization.
| Name: Nelia Lim |
| MY URL: Visit Me |
| Location: Hong Kong |
Comments:
Napapakinggan po namin dito sa Hong Kong ang inyong programa sa radyo na kung saan nakapagbibigay kayo ng mga mahahalagang impormasyon. Kailan po kaya magkakaroon ng Imbestigador sa Hong Kong?