Welcome to our Guestbook!


Current Page   Page 99   Page 98   Page 97   Page 96   Page 95   Page 94   Page 93  
Page 92   Page 91   Page 90   Page 89   Page 88   Page 87   Page 86   Page 85  
Page 84   Page 83   Page 82   Page 81   Page 80   Page 79   Page 78   Page 77  
Page 76   Page 75   Page 74   Page 73   Page 72   Page 71   Page 70   Page 69  
Page 68   Page 67   Page 66   Page 65   Page 64   Page 63   Page 62   Page 61  
Page 60   Page 59   Page 58   Page 57   Page 56   Page 55   Page 54   Page 53  
Page 52   Page 51   Page 50   Page 49   Page 48   Page 47   Page 46   Page 45  
Page 44   Page 43   Page 42   Page 41   Page 40   Page 39   Page 38   Page 37  
Page 36   Page 35   Page 34   Page 33   Page 32   Page 31   Page 30   Page 29  
Page 28   Page 27   Page 26   Page 25  Page 24   Page 23   Page 22   Page 21  
Page 20   Page 19   Page 18   Page 17   Page 16   Page 15   Page 14   Page 13  
Page 12   Page 11   Page 10   Page 9   Page 8   Page 7   Page 6   Page 5  
Page 4   Page 3   Page 2   Page 1  

Back to our Guest Book  | Sign Guestbook



07/21/03 11:39:51 GMT
Name: George Arriola MY URL: Visit Me
My Email: Email Me Location: Quezon City

Comments:
BOSES NG PAMILYANG OFWs Ni GEORGE A. ARRIOLA For Monday (July 21) issue.............. Latest OFW Advisory ng POEA, gustong malaman ng ex-OFW May natanggap na text messages ang IMBESTIGADOR at Task Force Against Illegal Recruitment and Investment Scams o TIRIS mula sa dating OFW na si Conrado Sarmiento na nagtatanong kung ano ang pinaka-latest OFW Advisory ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA). Batay sa aming pakikipag-ugnayan sa POEA, ang mga sumusunod ay ang kanilang pinakabagong OFW Advisory na matutunghayan din sa kanilang website na www.poea.com.ph: * Nai-lift na ng Libyan government ang SARS-related na travel ban nito sa OFWs noon pang Hulyo 4; * Sinuspinde ng Department of Labor and Employment ang pagpapadala ng mga OFW sa Liberia dahilan sa kasalukuyang kaguluhan sa pagitan ng pamahalaan at ng mga grupo ng rebelde; at * Pinayuhan ng POEA ang mga manggagawang Filipino na mag-ingat sa mga recruiter na nangangako ng trabaho sa Iraq. Wala pang manpower requests o job orders mula sa dayuhang principals o contractors para sa mga proyekto sa nasabing bansa. Gayunpaman, ang mga aplikante para sa trabaho sa Iraq ay pwedeng magpa-rehistro sa Manpower Registry Division ng POEA. * * * Samantala, ang mga sumusunod ay ang ilan pa sa mga natanggap naming katanungan mula sa ating mga kapamilyang OFW: Carlo delos Reyes: Nag-apply po ako sa isang recruitment agency na nang aking alamin sa POEA ay lisensiyado naman na mag-recruit. Ang application ko po sa kanila ay para sa waiter pero nang alamin ko kung may job order na sila ay nabatid kong wala pa. Noong nakaraang linggo ay ipina-schedule nila ako na magpa-medical na. Dapat po ba akong magpa-medical na? BOSES: Isinanggguni na namin ito sa POEA at ang kanlang katugunan ay hindi pa dapat. Kailangang makita mo muna na may job order na sila para sa waiter bago ka magpa-medical. * * * Ester Pangilinan: Nabasa ko po sa inyo na one month lang ang awtorisadong kolektahin ng licensed recruitment agency bilang placement fee. Ang kinolekta po sa akin ng agency ay P35,000 para sa trabahong domestic helper sa Hong Kong. Hanggang sa ngayon ay hindi pa po ako nakakaalis. Pwede ko po bang i-refund ang naibayad kong placement fee? BOSES: Maaari mong I-refund ang sobrang naibayad bilang placement fee gayundin ang buong halaga kung hindi ka makakaalis. Hindi mo nabangit kung may ilang buwan na ang nakalilipas mula nang maibayad mo ang nasabing halaga kaya’t kung maaari ay I-text mo agad ito sa akin. Naidulog ko na ang iyong problema kay kapamilyang Attty. J. Oswald B. Lorenzo -- pangulo ng Center for the Welfare, Protection and Legal Defense of OFWs, Inc. o OFWs Protect -- at kanyang ipinangako na tutulungan ka upang mabawi ang sobrang bayad kung sakaling matutuloy ka at ang buo namang halaga kung hindi ka makakapagtrabaho sa abroad. * * * Dennis Vizcarra: Totoo po ba na mahirap na manalo ang isang OFW laban sa kanyang recruitment agency dahilan sa kalimitan sa mga agency owner ay may mga kaibigan na matataas na opisyal ng POEA o kaya naman ay consultant ng kanilang ahensiya? BOSES: Sa palagay ko naman ay hindi dahilan sa halos lahat ng OFW na nai-refer namin sa POEA upang magreklamo laban sa kanilang recruitment agency ay nanalo at nabawi na rin ang kanilang naibayad na placement fee. * * * Iyon nga palang iba pang mga BOSES na natanggap ng IMBESTIGADOR at TIRIS mula sa ating 24-hour text messaging hotline na 0916-742-1768 at e-mail na gearcom@philonline.com ay sa mga susunod na isyu na natin ilalathala. Hanggang sa Miyerkules, mabuhay ang pamilyang OFWs! # # #



07/21/03 11:37:39 GMT
Name: Bert Añonuevo
MY URL: Visit Me
Location: Hong Kong

Comments:
Good pm. Matagal na akong nag-browse sa website na pamilyangofw-sme.org pero di ko na ito makita. Mabuti na lamang at nabasa ko sa Imbestigador na may bago na palang website ang pamilyang OFWs. Ngayon ay palagi na akong bibisita sa inyong website.



07/13/03 23:32:34 GMT
Name: George Arban Arriola MY URL: Visit Me
My Email: Email Me Location: Quezon City

Comments:
To my kapamilyang OFWs at SMEs, below are the contents of my column in IMBESTIGADOR: BOSES NG PAMILYANG OFWs Ni GEORGE A. ARRIOLA For Monday, July 14, 2003 issue 3 aplikante pa-abroad inaalam ang status ng Jobsearch Corporation May natanggap na text messages ang IMBESTIGADOR at Task Force against Illegal Recruitment and Investment Scams o TIRIS mula sa ating 24-hour text messaging hotline na 0916-7421768 na nagtatanong kung ano na ang status ng Jobsearch Corporation na nasa Taft Avenue, Manila, at ang ilan naman ay humihingi ng TIPS kung paano sila makakaiwas sa illegal recruiters. Ang mga nag-text na nag-apply sa nasabing kompanya upang makapagtrabaho sa abroad ay sina Paul Arceo, Minda Encarnacion at Dennis Montoya. Para sa kabatiran ng mga nabanggit nating texters, ang nasabing kompanya ay ipinasara na noon pang Hunyo 10, 2003 ni Administrator Rosalinda Dimapilis-Baldoz ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA). Ang nasabing kompanya, gayundin ang R.N. Consultancy and Immigration Services na nasa Cityland Shaw Tower sa Mandaluyong City, ay kanyang ipinasara sa POEA Operations and Surveillance Division makaraang mapatunayan na ang dalawang immigration consultancy agencies ay nagsasagawa ng recruitment activities nang walang kaukulang lisensiya mula sa POEA. Ang Jobsearch ay nanghihikayat ng mga guro upang umano ay magtrabaho bilang mga teacher sa Florida sa Amerika habang ang R. N. Consultancy ay nagre-recruit naman ng mga nurse para mai-deploy sa Amerika. Gumagamit ng website ang Jobsearch samantalang printed advertisements naman ang sa R.N. Consultancy sa kanilang marketing campaign. Ayon kay Baldoz, ang dalawang agencies ay lumabag sa POEA Memorandum Circular No. 10, Series of 2003. Nakasaad sa circular na ang mga immigration consultancy agencies at katulad na ahensiya na lumalampas ang aktibidad sa document facilitation at visa assistance para sa immigrants ay kinakailangang kumuha muna ng lisensiya mula sa POEA upang legal na makapagsagawa ng recruitment at placement services. Samantala, ang nag-text naman para humingi ng tips upang makaiwas sa illegal recruiters ay sina Karen Bugarin, Mario Dacanay, Rudy Fajardo at Lolita Gonzales. Bilang serbisyo publiko, inilalathala namin ang mga sumusunod na 10 Commandments ng POEA para di mabiktima ng illegal recruiters: 1. HUWAG mag-apply sa mga hindi lisensiyadong ahensiya. ALAMIN kung lisensiyado ang ahensiya sa POEA. (Pwede rin kayong mag-text sa ating 24-hour text messaging hotline); 2. HUWAG makipag-transksyon sa mga lisensiyadong ahensiya na WALANG job order; 3. HUWAG makipag-transaksyon sa mga taong hindi awtorisadong representante ng mga lisensiyadong ahensiya; 4. HUWAG makipag-transaksyon sa labas ng rehistradong address ng ahensiya. Kung ang recruitment ay naganap sa probinsiya, alamin kung ang naturang ahensiya ay may PROVINCIAL RECRUITMENT AUTHORITY (PRA); 5. HUWAG magbayad ng placement fee na labis sa itinalaga ng batas. Ito ay dapat na katumbas lamang ng isang buwang sahod, labas ang gastos para sa documentation at processing; 6. HUWAG magbigay ng placement fee hanggang wala pang kontrata at walang opisyal na resibo; 7. HUWAG magpahikayat sa mga anunsiyo o sumagot sa POST OFFICE (P.O.) Box o maglakip ng pera bilang kabayaran sa pagpoproseso ng papeles o dokumento; 8. HUWAG makipag-transaksyon sa TRAINING CENTERS o TRAVEL AGENCIES na nangangako ng trabaho sa ibang bansa o ibayong dagat; 9. HUWAG tumanggap ng TOURIST o VISITOR’S VISA; at 10. HUWAG makipag-transaksyon sa mga FIXERS. Iyon nga palang ibang mga BOSES na natanggap ng IMBESTIGADOR mula sa ating 24-hour text messaging hotline na 0916-7421768 at e-mail na gearcom@philonline.com ay sa Miyerkules at sa mga susunod na isyu na natin ilalathala. Hanggang sa muli, mabuhay ang pamilyang OFWs!



07/13/03 23:28:52 GMT
Name: Conrado Javier
MY URL: Visit Me
Location: Taiwan

Comments:
Your website is informative. However, how often do you update it?



Current Page   Page 99   Page 98   Page 97   Page 96   Page 95   Page 94   Page 93  
Page 92   Page 91   Page 90   Page 89   Page 88   Page 87   Page 86   Page 85  
Page 84   Page 83   Page 82   Page 81   Page 80   Page 79   Page 78   Page 77  
Page 76   Page 75   Page 74   Page 73   Page 72   Page 71   Page 70   Page 69  
Page 68   Page 67   Page 66   Page 65   Page 64   Page 63   Page 62   Page 61  
Page 60   Page 59   Page 58   Page 57   Page 56   Page 55   Page 54   Page 53  
Page 52   Page 51   Page 50   Page 49   Page 48   Page 47   Page 46   Page 45  
Page 44   Page 43   Page 42   Page 41   Page 40   Page 39   Page 38   Page 37  
Page 36   Page 35   Page 34   Page 33   Page 32   Page 31   Page 30   Page 29  
Page 28   Page 27   Page 26   Page 25  Page 24   Page 23   Page 22   Page 21  
Page 20   Page 19   Page 18   Page 17   Page 16   Page 15   Page 14   Page 13  
Page 12   Page 11   Page 10   Page 9   Page 8   Page 7   Page 6   Page 5  
Page 4   Page 3   Page 2   Page 1  

Back to our Guest Book  | Sign Guestbook

Kaftos.com Search The Internet