Welcome to our Guestbook!


Current Page   Page 99   Page 98   Page 97   Page 96   Page 95   Page 94   Page 93  
Page 92   Page 91   Page 90   Page 89   Page 88   Page 87   Page 86   Page 85  
Page 84   Page 83   Page 82   Page 81   Page 80   Page 79   Page 78   Page 77  
Page 76   Page 75   Page 74   Page 73   Page 72   Page 71   Page 70   Page 69  
Page 68   Page 67   Page 66   Page 65   Page 64   Page 63   Page 62   Page 61  
Page 60   Page 59   Page 58   Page 57   Page 56   Page 55   Page 54   Page 53  
Page 52   Page 51   Page 50   Page 49   Page 48   Page 47   Page 46   Page 45  
Page 44   Page 43   Page 42   Page 41   Page 40   Page 39   Page 38   Page 37  
Page 36   Page 35   Page 34   Page 33   Page 32   Page 31   Page 30   Page 29  
Page 28   Page 27   Page 26  Page 25   Page 24   Page 23   Page 22   Page 21  
Page 20   Page 19   Page 18   Page 17   Page 16   Page 15   Page 14   Page 13  
Page 12   Page 11   Page 10   Page 9   Page 8   Page 7   Page 6   Page 5  
Page 4   Page 3   Page 2   Page 1  

Back to our Guest Book  | Sign Guestbook



08/20/03 13:19:48 GMT
Name: George Arriola MY URL: Visit Me
My Email: Email Me Location: Quezon City

Comments:
Bilang tugon sa kahilingan ng ating mga kapamilyang OFW, ang mga sumusunod ay ang nilalaman ng aking kolum na "Boses ng Pamilyang OFWs" sa pahayagang IMBESTIGADOR na matutunghayan tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes: BOSES NG PAMILYANG OFWs Ni GEORGE A. ARRIOLA For Monday (Aug. 18) issue OFWs, pinag-iingat sa Gia Jomani Market International, Inc. Ang mga sumusunod ay ang e-mail message (gearcom@philonline.com) sa inyong lingkod ni kapamilyang OFW sa Hong Kong na si Fely Soriano na pinag-iingat ang ating mga kapamilyang OFW na mag-invest sa Gia Jomani Market International, Inc. : Dear Mr. George A. Arriola The blessing and guidance of our lovingly Father be with you and all also to the management and staff of Imbestigador na totoo namang kakampi namin. Thank you very much to your e-mail response to my request to investigate the said company, Gia Jomani Market International, Inc. Sir, I still wonder why we can't contact them in their telephone numbers? The one keeps on ringing while the other one is being used by another company. According to the President and Chairman of the Board, Mr. Enrico Q. Laureola, all Pacificare members are entitled to receive a Life Insurance Coverage/Accident Insurance Coverage/Uprovoked Murder and Assault/Hospital Daily Income Benefit and Dependents coverage. Every member or applicant in Pacificare Insurance is paying P2,300 every year. We invested in the program because the company guaranteed to return a lump sum amount to its clients or members if nothing happens to them after completing a five-year payment term period. Sir, if you will have any information or update on this matter, kindly publish it in Imbestigador so that I and the other victims of this company will be updated and warned not to invest in the said company. For your information, I and my co-OFWs are avid readers of Imbestigador. Ipinakakamusta nga pala kayo ni Tita Corazon Carsola. Thank you very much for your concern on this matter. God bless you all and keep up the good work. Fidela Organista Soriano 1619 Tinwan Estate,Tinkin House, Aberdeen Hongkong * * * Dear Fidela: Makaasa ka na anumang mensahe mula sa iyo gayundin sa iba pa nating mga kapamilyang OFWs sa Hong Kong at sa iba pang bahagi ng mundo ay bibigyan namin ng prayoridad na mailathala sa IMBESTIGADOR, sa pamamagitan ng kolum na ito (tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes), at tatalakayin din natin sa ating programa na “Pamilyang OFWs-SME News Bureau” sa Kabayan Radyo na napapakinggan tuwing Sabado, mula ala-una hanggang alas-dos ng hapon, sa Hong Kong, Taiwan and Macau. Sa ngalan ng management at staff ng IMBESTIGADOR at Kabayan Radio, tanggapin mo ang aming pasasalamat at pagsaludo sa iyong ginagawang pagbibigay ng mga mahahalagang impormasyon sa ating mga kapamilyang OFW upang sila ay hindi mabiktima ng mga investment scammers. Ipinaabot ko rin sa iyo ang aking pangangamusta sa lahat ng ating mga kapamilyang OFW sa Hong Kong gayundin kay kapamilyang Corazon Carsola. God bless us all at mabuhay ang pamilyang OFWs na hangad ng inyong lingkod na maging pamilyang Small and Medium Entrepreneurs sa hinaharap. Sincerely yours, George A. Arriola * * * Samantala, pinaaalalahanan kong muli ng ating mga kapamilyang OFW na naging biktima ng illegal recruiters at investment scammers na laging handa si Atty. J. Oswald B. Lorenzo, pangulo ng Center for the Welfare, Protection and Legal Defense of OFWs, Inc. (OFWs Protect), na kayo ay tulungan upang makamit ang hustisya. Iyon pong may problemang legal ay pwede ring i-text ito sa ating 24-hour text messaging hotline na 0916-7421768. Hanggang sa Miyerkules, mabuhay ang pamilyang OFWs! # # # BOSES NG PAMILYANG OFWs Ni GEORGE A. ARRIOLA For Wednesday (Aug. 13) issue ‘Mga utak’ sa illegal na pagso-solicit ng pondo para sa OFW Bank, dapat kasuhan ng BSP Sa mga susunod na isyu na natin ipagpapatuloy ang pagbubulgar sa mga ilegal na aktibidad ng OFW Net Foundation, Inc. at ang marketing arm nito na OFW International Holdings, Inc. -- ang dalawang organisasyon na nasa likod sa pangangalap ng pondo para sa itatayong OFW Bank sa taong 2006 – upang bigyan ng daan ang nai-e-mail (gearcom@philonline.com) at text messages (0916-742-1768) na natanggap natin mula sa ating mga kapamilyang OFW na humihiling kay Governor Rafael Buenaventura ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na kasuhan na ang mga nasa likod ng pagtatayo ng bangko para sa OFWs nang walang kaukulang awtoridad mula sa Securities and Exchange Commission (SEC) at lisensiya naman mula sa BSP. Ang mga sumusunod ay ang ilan lang sa BOSES ng ating mga kapamilyang OFW na nagpapahayag ng pagkondena sa ilegal na gawain ng dalawang asosasyon: Victor Suarez ng Saudi Arabia: Dapat kasuhan na ni Gov. Buenaventura ang “mga utak” sa pagtatayo ng OFW Bank upang sila at ang iba pang nagbabalak na manloko sa aming mga OFW ay mabigyan ng matinding leksyon. Delfin G. ng Saudi: Sana ay magsagawa ang BSP ng massive information drive sa illegal na aktibidad ng OFW Net Foundation, Inc. at OFW International Holdings, Inc. upang malaman ng ating mga kapamilyang OFW na hindi sila dapat mag-invest sa itatayong OFW Bank. Willie Asuncion ng Saudi: Wala palang lisensiya mula sa BSP ang dalawang grupo ng OFWs na nangangalap ng pondo para sa OFW Bank! E, ano pa ang hinihintay ng ating mga awtoridad, partikular si Gov. Buenaventura? Kasuhan na ang mga utak sa panloloko sa aming mga OFW. Carlos Tolentino: Sa IMBESTIGADOR lang namin nabasa ang tungkol sa OFW Bank. Nagagalak kami na may mga peryodiko na kakampi namin sa araw-araw naming pakikihamok sa buhay upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang aming pamilya. Para sa akin, tama lang ang expose ninyo at sana ay bilisan na ng BSP at SEC ang kanilang isinasagawang imbestigasyon at nang makasuhan na ang mga opisyal ng OFW Net Foundation at OFW International Holdings na tunay namang nakakahiya dahilan sa kanilang planong linlangin ang kanilang mga kapwa-OFW. Mabuhay ang IMBESTIGADOR! Rene Sagun: Hindi kaya alam ng mga opisyal ng OFW Net Foundation, Inc. at OFW International Holdings, Inc. na ilegal ang kanilang ginagawang pangangalap ng pondo para sa itatayong bangko dahilan sa wala naman silang mga kaukulang permiso at lisensiya mula sa ating gobyerno? Alam man nila o hindi, ito ay malinaw na panloloko sa aming mga OFW. Kaya’t ano pa ang hinihintay ng BSP? Kasuhan na ang mga responsable sa investment scam! Helen C.: Nasubaybayan ko po ang inyong expose tungkol sa dalawang asosasyon ng OFWs na hinihikayat ang ating mga kababayan sa pamamagitan ng pag-i-invest sa OFW Bank. Isa po ako sa kanilang mga hinihikayat na mag-invest nang ako ay dumalo sa kanilang seminar sa SM Megatrade noong Mayo pero nang mabasa ko ang inyong mga pagbubulgar noon pa ay hindi na ako nakipagkita sa kanila. Mabuti naman at pinanay-panay ninyo ang pag-expose sa kanilang mga ilegal na gawain at nang sa ganoon ay hindi na makapambiktima pa ang dalawang grupo. Mabuhay kayo dyan sa IMBESTIGADOR at TIRIS! * * * Samantala, pinaaalalahanan kong muli ang ating mga kapamilyang OFW na naging biktima ng illegal recruiters at investment scammers na laging handa si Atty. J. Oswald B. Lorenzo, pangulo ng Center for the Welfare, Protection and Legal Defense of OFWs, Inc. (OFWs Protect) na sila ay tulungan upang makamit ang hustisya. Hanggang sa Biyernes, mabuhay ang pamilyang OFWs! # # # BOSES NG PAMILYANG OFWs Ni GEORGE A. ARRIOLA For Monday (Aug. 11) issue BSP binalaan ang OFWs na huwag mag-invest sa umano’y itatayong banko Sa wakas, nagpalabas na rin ng babala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa publiko, partikular sa OFWs, na mag-ingat sa pag-i-invest ng kanilang pinaghirapang pera sa umano’y itatayong banko. Nakasaad sa press statement ni BSP Governor Rafael Buenaventura na ang mga OFW ay kinakailangan munang magtanong sa kanila kung ang mga grupo na nasa likod ng pagtatayo ng banko ay may balidong aplikasyon mula sa BSP. Ayon kay Gov. Buenaventura, ang BSP lamang ang nagkakaloob ng lisensiya para sa pagtatayo ng isang banko. Ipinahayag ng BSP governor na umabot na sa kanyang tanggapan ang impormasyon na may mga grupo na nagso-solicit, sa pamamagitan ng internet, at nagsasagawa ng roadshows sa ibang bansa upang makalikom ng pondo para sa umano’y equity contributions para sa kanilang itatayong banko. Binigyang-diin ni Gov. Buenaventura na ang pagtatayo ng banko ay magiging lehitimo lamang kung pinagkalooban na ito ng awtorisasyon ng Securities and Exchange Commission (SEC) at ng BSP. Ipinahayag pa niya na hindi sapat sa mga nabanggit na grupo ang sila ay nakarehistro lamang sa SEC at ang kanilang kailangan ay ang spesipikong awtorisasyon mula sa SEC na sila ay pwedeng mag-solicit ng pondo mula sa publiko. Binigyang-diin pa niya na ang sinuman na mapapatunayang nagsasagawa ng mga hindi awtorisadong “banking at quasi-banking functions” ay nahaharap sa parusang itinakda sa ilalim ng New Central Bank Act (R.A. No. 7653). Ang sinuman na mapatunayang lumabag ay may magmumulta nang hindi bababa sa P50,000 at hindi lalampas sa P200,000 o kaya ay pagkakakulong nang hindi bababa sa dalawang taon at hindi lalampas sa 10 taon. Nakasaad pa sa press statement na sinuman ang may katanungan sa nasabing pahayag ay pwedeng makipag-ugnayan sa Department of Economic Research, E-mail—bsp-mail@bsp.gov.ph o kaya ay tumawag sa (632)523-3386 o (632)524-9480. * * * Bagamat nakapagbigay na ng babala si Gov. Buenaventura ay hindi naman binanggit sa nasabing press statement ang pangalan ng aniya ay mga organisasyon na nasa likod ng pagtatayo ng OFW Bank. Para sa kabatiran ng ating mga mambabasa, ang mga organisasyon na utak ng iligal na pagso-solicit ng pondo ay ang OFW Net Foundation, Inc. at ang marketing arm nito na OFW International Holdings, Inc. Ang illegal na pangangalap ng pondo ng dalawang organisasyon ay ibinuko sa atin ng mga kapamilya natin sa Kingdom of Saudi Arabia sa pamamagitan ng e-mail at ng iba pang OFWs na nagbakasyon naman dito sa Pilipinas. Nang i-check ng IMBESTIGADOR at Task Force Against Illegal Recruitment at Investment Scams o TIRIS sa SEC kung may awtoridad mula sa kanila ang mga nabanggit na grupo ay nabatid naming wala pa. Nang i-check naman namin sa BSP kung may nakarehistro nang OFW Bank ay napag-alaman namin na di pa ito rehistrado. Sa madaling sabi, walang awtoridad at illegal ang isinagawa at patuloy pa ring isinasagawa ng dalawang grupo na pangangalap ng pondo sa abroad na gamit ang internet. Sa susunod na isyu ay ipagpapatuloy natin ang pagbubulgar ng mga iligal na aktibidad ng dalawang organisasyon na ayon kay Atty. Elmira Alconaba ng SEC ay kasalukuyan pa rin nilang iniimbestigahan na taliwas sa ipinamamalita sa internet ng mga utak ng “OFW Bank Fund solicitation campaign” na na-clear na sila ng SEC. Ang kanilang illegal na gawain ay dapat nang masugpo dahilan sa posibilidad na marami pa tayong kapamilyang OFWs na mabibiktima ng itinuturing ni kapamilyang Atty. J. Oswald Lorenzo na isang economic sabotage. Hanggang sa Miyerkules, mabuhay ang pamilyang OFWs! # # # ilalathala natin ang iba pang BOSES ng ating mga kapamilyang OFW sa Hong Kong. Samantala, pinaaalalahanan ko ang ating mga kapamilyang OFW na naging biktima ng illegal recruiters at investment scammer na handa si Atty. J. Oswald B. Lorenzo, pangulo ng Center for the Welfare, Protection and Legal Defense of OFWs, Inc. (OFWs Protect) na sila ay tulungan upang makamit ang hustisya. Iyon pong may problemang legal ay pwede ring i-text ito sa ating 24-hour text messaging hotline na 0916-7421768. Hanggang sa Miyerkules, mabuhay ang pamilyang OFWs! BOSES NG PAMILYANG OFWs Ni GEORGE A. ARRIOLA For Friday (Aug. 8) issue OFWs sa HK nadenggoy ng Gia Jomani international Market Systems Inc. at Filipina pianist hinangaan sa Brunei Nakatanggap kahapon ang IMBESTIGADOR at Task Force Against Illegal Recruitment and Investment Scams o TIRIS ng e-mail message (gearcom@philonline.com) mula kay Fidela O. Soriano na humihingi ng pabor upang maimbestigahan ang kompanyang Gia Jomani International Market Systems Inc. Sinabi ni Fidela, na miyembro rin ng Pamilyang OFWs Network-Hong Kong Chapter, na ang opisina ng nasabing kompanya ay nasa Suite 925 Megaplaza Building, ADB Avenue corner Garnet Road, Ortigas Center, Pasig City. Ayon sa kanya, maraming naging kliyente ang Gia Jomani International sa Hong Kong na nag-invest pero hindi pa nila natatanggap ang kanilang official receipt at policy simula pa noong Enero hanggang ngayong buwan. May mga nabalitaan sila na nagsara na ang nabanggit na kompanya. Hindi na rin nila ito ma-contact sa telepono at sa e-mail kaya’t nangangamba sila na totoong nagsara na nga ito. * * * Sinubukan ng IMBESTIGADOR na kontakin ang Gia Jomani sa kanilang landline number pero ibang kompanya na ang nagmamay-ari ng dati nitong telephone number kaya’t malaki ang posibilidad na may mga kapamilyang OFW na naman tayo na nabiktima ng mga investment scammers. Makikipag-ugnayan ang inyong lingkod sa ating mga kapamilya sa Securities and Exchange Commission upang alamin kung ano ang status ng nasabing kompanya. Kaugnay nito, tinatawagan namin ang ating mga kapamilyang OFW na naging biktima ng Gia Jomani na makipag-ugnayan kayo sa IMBESTIGADOR, sa pamamagitan ng ating 24-hour text messaging hotline na 0916-7421768, upang kayo ay matulungan ni Atty. J. Oswald B. Lorenzo, pangulo ng Center for the Welfare, Protection and Legal Defense of OFWs, Inc. (OFWs Protect). Hindi po limitado sa mga biktima ng investment scammers ang tinutulungan ni kapamilyang Oswald kundi maging ang mga naging biktima rin ng illegal recruiters. * * * Samantala, isang pianist na Filipina ang hinangaan makaraang mag-perform sa Orchid Garden Hotel sa Brunei Darussalam noong nakaraang Sabado. Siya ay si Adolovni Acosta na naka-base sa New York. Ang kanyang piano concert ay itinaguyod ng Brunei Music Society at Philippine Embassy sa Brunei. "My technique is like magic. I'm fast, my wrist is loose," sabi ni Acosta, na nag-concert din sa Kota Kinabalu, Sabah. Ang kanyang tinugtog ay ang Seven Bagatelles ni Beethoven, Sonata in B Minor ni Listz, Fantasie ni Chopin at iba pang komposisyon ni Isaac Albeniz, Mayon ni Filipino composer Francisco Buencamino, at Seven Miniatures ng composer na si Bo Lawergren. Si Acosta ay nagtapos sa University of the Philippine Conservatory of Music noong 1968. Pagkatapos nito ay nag-aral siya sa Julliard School sa New York at nagsagawa ng private piano lessons sa nakaraang 14 na taon. Si Adolovni ay nagsilbi sa piano faculty ng Julliard School Pre-College Division, New York University Department of Music and the Performing Arts Professions, at Hunter College Department of Continuing Education (ng City University of New York). Si Adolovni ay maituturing natin bilang isang role model at sana ay madagdagan pa ang katulad niya na maipagmamalaki ng ating lahi. Hanggang sa Lunes, mabuhay ang pamilyang OFWs! # # #



08/20/03 13:16:36 GMT
Name: Lilia Sandoval
MY URL: Visit Me
Location: Hong Kong

Comments:
Gud pm sa inyong lahat, especially to Mr. George Arriola. 1-2 p.m. na pala ang time slot ninyo sa Kabayan Radio. May ilang linggo din na na-miss ko ang programa ninyo at mabuti naman at regula ko na namang mapapakinggan ang Pamilyang OFWs-SMEs. Lilia Sandoval



08/19/03 22:25:14 GMT
Name: Jane Suarez
MY URL: Visit Me
Location: Hong Kong

Comments:
Napakinggan ko minsan sa inyong programa sa Kabayan Radio na may kolum kayo sa Imbestigador. Wala po akong nakikitang Imbestigador dito. Talaga po bang wala kayong sirkulasyon dito sa Hong Kong? Kung wala ay kailan po ito mabibili dito? Gumagalang, Jane Suarez



08/17/03 02:56:06 GMT
Name: Eleanor Santos
MY URL: Visit Me
Location: Tarlac City

Comments:
Dear Mr. Arriola, Sana regular ninyong inilalagay sa website na ito ang inyong kolum sa Imbestigador. May mga pagkakataon kasi na nauubusan ng kopya ng Imbestigador dito sa Tarlac City. More power sa inyo at sana ay ipagpatuloy ninyo ang pag-expose sa mga masasamang elemento na bumibiktima at nagbabalaki manloko sa ating mga kapamilyang OFWs. Mabuhay ang Imbestigador, ang totoong kakampi naming OFWs! Eleanor



08/10/03 23:35:52 GMT
Name: Wilfredo Garcia
MY URL: Visit Me
Location: Taiwan

Comments:
Bilib ako sa programa ninyo sa Kabayan Radio. Matindi ang expose ninyo sa mga grupo na magtatayo ng bangko. Kaya lang sa Sabado pa ninyo ibubuko kaya't nabitin tuloy kami ng mga kasamahan ko. Anyway, aantayin na lang namin sa Sabado kung anong mga grupo ang tinutukoy ninyo at ng Bangko Sentral ng Pilipinas.



08/10/03 03:03:35 GMT
Name: Zeny Lopez
MY URL: Visit Me
Location: Hong Kong

Comments:
Napakinggan kong muli ang inyong programa sa Kabayan Radio kahapon ng tanghali. Akala ko ay hindi na kayo magbabalik sa Kabayan. More power sa inyo. Zeny Lopez



07/31/03 15:38:35 GMT
Name: Zenaida delos Reyes
MY URL: Visit Me
Location: Taiwan

Comments:
Good pm sa ating mga kapamilyang OFW. Paghusayin natin ang pagtatrabaho upang mapamahal tayo sa atin mga employer.



07/29/03 02:43:21 GMT
Name: Manny Angeles
MY URL: Visit Me
Location: Hong Kong

Comments:
Why are some of your links under construction?



07/24/03 02:26:45 GMT
Name: Imelda Guevarra
MY URL: Visit Me
Location: Hong Kong

Comments:
I just saw your website and I found out that your foundation has plenty of projects already. I'll visit your office during my vacation this December. More power to the officers and members of the Pamilyang OFWs Network Foundation. Yours truly, Imelda Guevarra



07/23/03 14:04:33 GMT
Name: onyeoru MY URL: Visit Me
My Email: Email Me Location: lome togo

Comments:
Umunnem l don land here ooooooooooh



Current Page   Page 99   Page 98   Page 97   Page 96   Page 95   Page 94   Page 93  
Page 92   Page 91   Page 90   Page 89   Page 88   Page 87   Page 86   Page 85  
Page 84   Page 83   Page 82   Page 81   Page 80   Page 79   Page 78   Page 77  
Page 76   Page 75   Page 74   Page 73   Page 72   Page 71   Page 70   Page 69  
Page 68   Page 67   Page 66   Page 65   Page 64   Page 63   Page 62   Page 61  
Page 60   Page 59   Page 58   Page 57   Page 56   Page 55   Page 54   Page 53  
Page 52   Page 51   Page 50   Page 49   Page 48   Page 47   Page 46   Page 45  
Page 44   Page 43   Page 42   Page 41   Page 40   Page 39   Page 38   Page 37  
Page 36   Page 35   Page 34   Page 33   Page 32   Page 31   Page 30   Page 29  
Page 28   Page 27   Page 26  Page 25   Page 24   Page 23   Page 22   Page 21  
Page 20   Page 19   Page 18   Page 17   Page 16   Page 15   Page 14   Page 13  
Page 12   Page 11   Page 10   Page 9   Page 8   Page 7   Page 6   Page 5  
Page 4   Page 3   Page 2   Page 1  

Back to our Guest Book  | Sign Guestbook

Kaftos.com Search The Internet