|
| Name: George A. Arriola | MY URL: Visit Me |
| My Email: Email Me | Location: Quezon City |
Comments:
Ang sumusunod ay ang nilalaman ng aking kolum sa IMBESTIGADOR na tugon sa pakiusap, sa pamamagitan ng e-mail at text messages, ng ating mga kapamilyang OFWs:
BOSES NG PAMILYANG OFWs
Ni GEORGE A. ARRIOLA
For Monday (Oct. 13) issue...
Overseas Absentee Voting registration, tagumpay sa HK
Tagumpay para sa mga OFW sa Hong Kong ang Overseas Absentee Voting (OAV) registration pero hindi ito tagumpay sa ilang bahagi ng mundo na maraming OFWs. Ito’y ayon sa mga natanggap na e-mail (gearcom@philonline.com) at text (0916-7421768) messages ng IMBESTIGADOR at ng Task Force Against Illegal Recruitment and Investment Scams o TIRIS sa radio program na “Pamilyang OFWs-SMEs News Bureau” sa DZRJ 810 AM kaugnay ng ating katanungan na “Maituturing ba na Tagumpay ang Overseas Absentee Voting Registration?”
Sa e-mail message ni Zeny ng Hong Kong Special Administrative Region, sinabi niya na maituturing na tagumpay ang OAV registration sa region dahilan sa mahigit sa 88,000 sa kanila ang nakapagparehistro sa loob ng dalawang buwan na rehistrasyon. Idinagdag pa niya na ito ay isang pagpapatunay ng pagnanais ng mayorya ng OFWs sa HK na makilahok sa darating na 2004 national elections.
Sa e-mail message naman ni Delia Concepcion ng HK SAR, binigyang-diin niya na bagama’t No. 2 ang HK sa dami ng nagparehistro sa OAV sa buong mundo ay No. 1 naman ito kung pagbababatayan ang percentage ng nagpatala. Ayon sa kanya, 88,000 plus sa mahigit 130,000 ang nakapag-rehistro sa Hong Kong samantalang 100,000 lamang sa tinatayang mahigit isang milyon na OFWs ang nakapagpatala sa Kingdom of Saudi Arabia na nag-No. 1.
Ayon naman sa text message ni Fely D. ng HK SAR, tagumpay ang OAV registration dahilan sa pagtatayo ng satellite registration centers sa iba’t-ibang bahagi ng New Territories na may kalayuan sa Consul General’s Office sa Admiralty at sa Worldwide Plaza sa Central kaya’t nakatulong ito nang malaki sa ibang walang panahon na magtungo sa Admiralty at sa Central.
Tagumpay rin ang OAV registration sa pananaw ni Norma ng HK SAR, sa kanyang ipinadalang text message, dahil napakaliit lamang ng kanilang lugar at napakadaling magparehistro.
Samantala, sa e-mail message naman ni Dante G., ipinahayag niyang hindi naging tagumpay ang OAV registration sa Saudi dahilan sa malayo para sa marami sa kanila ang registration centers sa may Al-Khobar, Jeddah at Riyadh. Idinagdag pa niya na mas minabuti pa nilang magpahinga na lamang sa kanilang day-off imbes na bumiyahe nang malayo at gumastos nang malaki sa pasahe upang magpa-rehistro lamang.
Ayon naman sa text message ni OFWs Benjie delos Santos na nagbabakasyon ngayon sa Pilipinas, hindi tagumpay ang OAV registration sa Saudi dahilan sa hindi sapat ang impormasyon tungkol dito kaya’t hindi nakamit ng Department of Foreign Affairs ang kanilang target na bilang ng mga magpapa-rehistro.
Marami pa kaming natanggap na e-mail at text messages na hindi natin mailalathala dahilan sa kukulangin ang ating espasyo. Ang ilan dito ay ipinahayag na namin noong Sabado sa ating public service program sa DZRJ.
Ang lucky texter nga pala natin na pagkakalooban ng LIBRENG Pinoy Health Privilege Card ni kapamilyang Virgie Lansangan ay si Zeny ng Hong Kong at si Osias S. Sanal, Sr. na nagbabakasyon ngayon sa Pilipinas.
* * *
Inaanyayahan ko nga pala ang ating mga kapamilya na gumagamit ng internet na bumisita sa ating bagong website na pamilyangofw-sme.com na kung saan ay matutunghayan din ninyo ng regular ang ating kolum simula pa noong nakaraang Miyerkules. Hanggang sa Miyerkules, mabuhay ang pamilyang OFWs!
# # #
| Name: Rowena Belmonte |
| MY URL: Visit Me |
| Location: Hong Kong |
Comments:
Malimit kong mabasa sa mga pahayagan dito sa Hong Kong ang mga balita sa inyong foundation? Paano ba maging member ng inyong samahan? Sana ay magkaroon din kayo ng chapter dito sa HK. Mabuhay ang POFWSMENFI!
| Name: Jane Suarez |
| MY URL: Visit Me |
| Location: Hong Kong |
Comments:
I'm glad to have seen your projects through the internet. I'm also interested to be a part of your organization. Expect me to attend your events this December. More power!
| Name: George A. Arriola | MY URL: Visit Me |
| My Email: Email Me | Location: Quezon City |
Comments:
Bilang tugon sa mga request ng ating mga nagpapadala ng e-mail message sa atin na ilathala ng regular ang nilalaman ng aking kolum sa IMBESTIGADOR ay matutunghayan ninyo ang nalathala noong Oktubre 10, 2003...
BOSES NG PAMILYANG OFWs
Ni GEORGE A. ARRIOLA
For Friday (Oct. 10) issue
Pinoy nasentensiyahan ng 3 buwan na pagkakakulong
dahilan sa ilegal na pananatili sa Brunei Darussalam
Ito’y dapat na magsilbing leksyon sa ating mga kababayan na bumibiyahe sa ibang bansa na lumalampas sa takdang panahon ang pananatili!
Nai-e-mail (gearcom@philonline.com) sa inyong lingkod ng isa nating kapamilyang OFW sa Brunei Darussalam ang isang balita sa nasabing bansa na isang Filipino na may tatlong anak ang nasentensiyahan ng tatlong buwan na pagkakakulong ng Brunei Magistrate Court noong Oktubre 1 dahilan sa kanyang ilegal na pananatili sa Brunei.
Ayon sa balita, may dalawang buwan at walong araw na lumampas ang pananatili sa Brunei ni Basit Sawwalin Yahkub, 29 anyos, magmula nang mag-expire ang kanyang Visit Pass noong Hunyo 1.
Mauna rito, si Yahkub ay inalok na magbayad ng multang $600 noong Setyembre 10 at binigyan pa ng grace period hanggang sa katapusan ng buwan ng Setyembre.
Ayon sa Immigration Prosecutor, si Yahkub ay nagtungo kamakailan sa Enforcement Division pero agad na inaresto makaraang malaman na nag-expire na ang offer pass sa kanya at hindi rin niya nakayang bayaran ang multa.
Ayon sa Prosecutor, ang mga Immigration officers mula sa Enforcement Division ay nagsagawa ng inspeksyon noong Setyembre 9 sa isang inuupahang bahay sa may No. 19C sa Kampong Sungai Kedayan kung saan nila natagpuan si Yahkub.
Lumitaw sa imbestigasyon na si Yahkub ay dumating sa Brunei noong Mayo 18 at pinagkalooban ng Social Visit Pass na balido sa loob ng dalawang linggo pero hindi na siya humingi ng extension para sa kanyang Visit Pass at piniling manatili sa nabanggit na bansa ng ilegal.
* * *
Samantala, tuloy-tuloy po ang serbisyo publiko ng IMBESTIGADOR at ng Task Force Against Illegal Recruitment and Investment Scams o TIRIS sa Pamilyang OFWs-SMEs News Bureau bukas at tuwing Sabado sa DZRJ 810 AM (9-10 ng umaga) at kaugnay nito ay kukunin namin ang BOSES, PULSO o REAKSYON ng ating mga kapamilyang OFW sa ating isyu ngayong linggo na “Maituturing ba na Tagumpay ang Overseas Absentee Voting Registration?” Ang inyong mga BOSES ay ilalathala natin sa kolum na ito sa Lunes at isasahimpapawid bukas sa DZRJ.
Kaugnay nito, ang dalawa nating lucky texter na magte-text ng kanilang BOSES (simula ngayong umaga hanggang bukas ng tanghali) sa ating 24-hour text messaging hotline na 0916-7421768 ay pagkakalooban ng LIBRENG Pinoy Health Privilege Card ni kapamilyang Virgie Lansangan.
Ang Health Card holder ay may mga sumusunod na pribilehiyo: libreng konsultasyon sa doktor at dentista kahit ilang beses sa loob ng isang taon, 10 porsyento na diskwento sa mga laboratory tests at x-ray, abot-kayang halaga ng gamot, diskwento sa mga bakuna at immunization ng inyong baby, at kalahati lamang ang babayarang consultation fee sa limang miyembro ng pamilya.
Sa nasabing programa ay magbibigay tayo ng update sa illegal recruitment at investment scams gayundin ng iba’t-ibang oportunidad sa pamumuhunan at negosyo para sa pamilyang OFWs kaya’t huwag ninyong palalampasin ang pagkatataong ito.
Makakatuwang natin sa programa si kapamilyang Atty. J. Oswald B. Lorenzo (pangulo ng Center for the Welfare, Protection and Legal Defense of OFWs) at si kapamilyang Philip Baldo na vice president ng Pamilyang OFW-SME Network Foundation, Inc.
Iyong mga kapamilyang OFW natin na may problemang legal na nagnanais na humingi ng payo kay Atty. Lorenzo at yung mga nabiktima ng illegal recruiters at investment scammers ay pwede ring mag-text sa 0916-7421768.
* * *
Inaanyayahan ko nga pala ang ating mga kapamilya na gumagamit ng internet na bumisita sa ating bagong website na pamilyangofw-sme.com na kung saan ay matutunghayan din ng regular ang ating kolum simula pa noong Miyerkules. Hanggang sa Lunes, mabuhay ang pamilyang OFWs!
Ang isyu nga pala natin sa susunod na Sabado (Oktubre 18) ay "Tama ba ang Desisyon ni Pres. Arroyo na tumakbo sa 2004 National Elections?)