|
| Name: George A. Arriola | MY URL: Visit Me |
| My Email: Email Me | Location: Quezon City |
Comments:
BOSES NG PAMILYANG OFWs
Ni GEORGE A. ARRIOLA
For Friday (Dec. 10) issue ...
(Resulta ng imbestigasyon ng SEC sa
OFW International Holdings, hiniling na isapubliko) ..........
Dahilan sa hirap ng buhay ay marami ang nag-iisip na manloko na lamang sa kanilang kapwa. At dahil sa ang pamilyang OFWs ay may kakayahan na mag-invest ay ang mga ito ang pangunahing target ng mga investment scammer.
Magugunitang maraming pyramiding scam syndicates ang nakapambiktima na ng ating mga kababayan na kanilang natangayan ng hindi lamang milyong piso kundi bilyong piso.
Marami sa ating mga kapamilyang OFWs ang naloko dahilan sa matatamis ang dila ng mga nasa likod ng investment at pyramiding scams bukod pa sa kakulangan ng information dissemination campaign ng pamahalaan tungkol sa mga nasabing scams.
Kung walang magrereklamo ay hindi umaaksyon ang ating mga kinauukulang opisyal kaya’t umabot ng daang libo sa ating mga kapamilyang OFW ang natangayan ng bilyong piso (bukod pa sa libo-libong dolyar na kanilang savings). Ang mga nag-invest na ito sa pyramiding at investment scams sa ngayon ay patuloy na namomroblema dahilan sa mabagal na pag-usad ng kanilang mga naisampang kaso sa mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan.
Ito ang naging dahilan upang isulong ng IMBESTIGADOR at Task Force Against Illegal Recruitment and Investment Scams o TIRIS ang pagbubulgar sa mga investment scam at isa na nga sa mga tinututukan natin ay ang pagtatayo ng isang umano ay OFW Bank sa taong 2006 ng OFW Net Foundation, Inc. at ng marketing arm nito na OFW International Holdings, Inc.
Ayon sa ating source sa Securities and Exchange Commission (SEC), kasalukuyan pa rin nilang iniimbestigahan ang OFW International Holdings, Inc. dahilan sa nagso-solicit ito ng pondo para sa itatayong bangko nang wala namang kaukulang lisensiya at sa madaling sabi ay ilegal.
Ang tanong ngayon ni kapamilyang Joseph M. na isang OFW sa Saudi Arabia ay kailan nila malalaman ang resulta ng imbestigasyon. Sa kanyang e-mail ay ipinahayag niya na ang operasyon ngayon ng ilang opisyal at kinatawan ng OFW Holdings ay parang sa “jueteng” na patago-tago. “Sila ay patuloy pa rin na nangungimbinse sa ating mga kababayan sa ibang bansa na mag-invest sa kanilang umano ay magiging sariling bangko. Kailangang malaman agad ng milyon-milyon nating OFWs at kanilang pamilya ang resulta ng SEC probe,” ani Joseph.
Sa e-mail message naman ni kapamilyang Dionisio J., kinondena naman niya ang mabagal na pag-iimbestiga ng SEC na dahilan sa bagal ay posibleng marami pang malinlang na OFW sa ibang bansa ang dalawang grupo. Sa Pilipinas kasi ay bulgar na ang kanilang ilegal na aktibidad at sa katunayan, ayon pa kay Dionisio, ay nag-shift ng operasyon ang dalawang grupo na kamakailan ay nakipag-tieup sa mga real estate companies para magsilbing marketing arm ng mga ito. Sinabi pa niya na dapat ay isapubliko na agad ang resulta ng imbestigasyon ng SEC. Idinagdag pa niya na dapat na kanselahin ng SEC ang lisensiya ng OFW Net at OFW International sa oras na mapatunayang nagkasala ang mga ito.
* * *
Kaugnay ng isyu ng pagtatayo ng bangko ng dalawang grupo ng OFWs, nakausap ko kamakalawa lamang ang isa sa kanilang naging service partners sa isa sa mga isinasagawa nilang proyekto. Ayon sa kanya, naapektuhan ng ating expose ang kanilang operasyon at kinumpirma din niya na nag-shift na sa ibang negosyo ang dalawang grupo. “Nataranta sila nang sunod-sunod na pag-atake mo sa kanilang investment solicitation activities!” deklara niya.
Binigyang-diin ko naman sa kanya na kung talagang legal ang kanilang operasyon ay wala silang dapat ipangamba at pwede rin silang magbigay ng paliwanag sa IMBESTIGADOR. At pwede rin nila akong idemanda ng libelo! Pero dahilan sa ang kanilang aktibidad ay ilegal ay nagsawalang-kibo na lamang sila at ang akala nila siguro ay tatahimik na tayo. Nagkakamali sila dahil magpapatuloy ang pakikipaglaban natin sa mga investment scammers. Hanggang sa Biyernes, mabuhay ang pamilyang OFWs!
# # #
| Name: Sally Logarta |
| MY URL: Visit Me |
| Location: San Pedro, Laguna |
Comments:
Bakit po hindi ko na nakikita ang inyong kolum sa website na ito? Kapag naubusan kasi ako ng kopya ng Imbestigador ay sa inyong website ako bumibisita upang mabasa ang inyong kolum pero nitong mga huling araw ay hindi ko na nababasa ang inyong kolum sa website. Sana po ay gawin ninyong regular ito dahil ibinabalita ko rin ito sa aking mga kaibigan na bisitahin.
| Name: Delfin Samaniego |
| MY URL: Visit Me |
| Location: Bulacan |
Comments:
I usually read articles about your organization in major dailies. I'm interested to be a member of your foundation. Can you please give me some information about your livelihood projects? I'll be waiting for your reply. Thanks
| Name: Efren Ledesma |
| MY URL: Visit Me |
| Location: Saudi Arabia |
Comments:
Gusto kong maging kasapi ng inyong samahan. Paano po ba maging miyembro?
| Name: Carlos Manalang |
| MY URL: Visit Me |
| Location: Davao City |
Comments:
I wish you will hold an exhibition here in Davao City for the OFW families for them to have an additional income. More power to POFWSMENFI.
| Name: Zeny Tobias |
| MY URL: Visit Me |
| Location: Saudi Arabia |
Comments:
Nababasa ko sa Peoples Journal International ang inyong mga activities at interesado ako na maging bahagi ninyo pag-uwi ko sa Disyembre. Asahan po ninyo na makikiag-ugnayan ako sa inyong tanggapan. Mabuhay po kayo at ang lahat ng OFWs sa buong mundo.
| Name: Fidel Perez |
| MY URL: Visit Me |
| Location: Taiwan |
Comments:
We need websites like yours to be our informed on where to best invest our hard-earned money. More power to your organization.