|
| Name: George A. Arriola | MY URL: Visit Me |
| My Email: Email Me | Location: Quezon City |
Comments:
BOSES NG PAMILYANG OFWs
Ni GEORGE A. ARRIOLA...
For Monday (December 24) issue.....
Si Delia Domingo Albert ang kapalit ni Ka Blas
at tuloy-tuloy ang serbisyo sa OFWs maski Kapaskuhan.....
May bagong secretary na ang Department of Foreign Affairs (DFA). Siya’y si Madame Delia Domingo Albert na dating DFA undersecretary for International Economic Relations.
Si Secretary Albert ang hinirang ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo bilang kapalit ni Secretary Blas F. Ople (Ka Blas) na namatay noong Disyembre 14. Ang appointment ng bagong DFA secretary ay sasailaim pa sa kumpirmasyon ng Commission on Appointments.
Si Secretary Albert, 61 anyos, ay isang seasoned career diplomat na nagsimulang magtrabaho sa DFA noong 1967 at nagsilbi sa iba’t-ibang kapasidad sa Philippine Foreign Service. May 36 taon na sa pagsisilbi sa DFA ang kauna-unahang babaeng secretary.
Siya ang ika-pitong babaeng itinalaga ni Arroyo sa kanyang 22-miyembrong gabinete. Ang iba pa ay sina Budget Secretary Emilia Boncodin, Labor Secretary Patricia Sto. Tomas, Science and Technology Secretary Estrella Alabastro, Environment and Natural Resources Secretary Elisea Gozon, Social Welfare Secretary Corazon Soliman at Finance Secretary Juanita Amatong.
Kabilang sa mga naging trabaho ng senior diplomat ay sa Switzerland, Romania, Hungary, East at West Germany, Nauru, Tuvalu, Vanuatu at Australia na kung saan siya ay naging dean ng diplomatic corps noong 2001.
Siya ay nagsilbing director-general ng Philippine Secretariat sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at naging responsable din sa iba’t-ibang ASEAN meetings at summits, kabilang ang 1994 Fourth APEC Leaders’ Summit sa Subic na kung saan siya ang namuno sa Secretariat.
Ang matagumpay na pamamahala ni Madame Albert sa RP Mission sa Germany ay naging dahilan upang igawad sa kanya ang Knight’s Commanders Cross of the Order of Merit with the Star noong 1992 sa nasabing bansa.
Siya ay nag-aral sa University of the Philippines; Institute for International Studies sa Geneva, Switzerland; Diplomatic Institute sa Salzburg, Austria; Boston University Overseas sa Bonn, Germany; at Harvard University’s John F. Kennedy School of Government sa New Haven, Massachusetts.
Ang bagong pinuno ng DFA ay nakapagsasalita ng pitong lengguwahe -- German, French, Romanian, Spanish, Japanese, English at Pilipino.
* * *
Ito’y magandang balita sa nagbabakasyong OFWs! Ipinahayag ng Philippine Overseas Employment Administration na ngayong holiday season, ang mga on-leave na OFWs o balik-manggagawa ay pwedeng magpa-proseso ng kanilang mga dokumento sa mga sumusunod na lugar mula pa noong Disyembre 16, 2003 hanggang sa Enero 15, 2004:
* Sa shopping malls: Space #135 Park Avenue sa Robinson’s Galleria, sa may kanto ng Ortigas Avenue at EDSA Quezon City; 1012 D, 1st Level sa Festival Super Mall, Alabang, Muntinlupa City; SM San Fernando sa San Fernando City, Pampanga; SM Cebu sa Cebu City; SM Davao sa Davao City; at SM Iloilo sa Iloilo City;
* Clark Air Base International Airport;
* POEA Regional Offices sa San Fernando, La Union; Baguio City; San Fernando, Pampanga; Calamba, Laguna; Legaspi City; Tacloban City; Cebu City; Iloilo City; Bacolod City; Davao City; Cagayan de Oro City at Zamboanga City; at
* OWWA Regional Offices sa Tuguegarao City, Butuan City at sa OFW Balikbayan Assistance Center sa Duty Free Fiesta Mall sa Pampanga
* * *
Para sa inyong komentaryo o iba pang reklamo, text lang po kayo sa ating 24-hour text messaging hotline na 0916-742-1768. Matutunghayan din po ninyo ang pitak na ito sa guest book ng website na pamilyangofw-sme.com. Dapat na magkaisa po tayong lahat upang ipaglaban ang karapatan at itaguyod ang kapakanan ng ating modern-day heroes at kanilang pamilya. Samantala, Advance Merry Christmas sa lahat ng mga mambabasa at kasamahan ko sa IMBESTIGADOR gayundin sa mga miyembro ng Pamilyang OFW-SME Network Foundation, Inc. Hanggang sa Lunes, mabuhay ang pamilyang OFWs!
# # #
| Name: Andy Rosario |
| MY URL: Visit Me |
| Location: Saudi Arabia |
Comments:
Natutuwa kaming mga OFW dito na may mga organisasyon na tulad ng sa inyo na nakatutulong sa aming pamilya sa Pilipinas. Mabuhay kayo! Merry Christmas din sa lahat ng OFWs sa buong mundo.
| Name: Miriam Jimenez |
| MY URL: Visit Me |
| Location: Lucena City |
Comments:
Isa po ako sa mga OFW na sumusubaybay sa inyong kolum sa Imbestigador tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes. Mabuhay po kayo!
| Name: Mario Valenzuela |
| MY URL: Visit Me |
| Location: Lipa City, Batangas |
Comments:
Kaming pamilya ay interesadong maging miyembro ng foundation. May chapter po ba tayo dito sa lalawigan ng Batangas? I-e-email ko sa inyo ang aking e-mail address para doon ninyo ipadala ang inyong sagot at iba pang impormasyon tungkol sa foundation. Maraming salamat at advance Merry Christmas.
| Name: Elsa Jimenez |
| MY URL: Visit Me |
| Location: Legazpi City |
Comments:
Good morning sa lahat ng OFWs at kanilang pamilya!
Sir, mabuti naman at may mga nababasa na kami sa ating website na tungkol sa inyong kolum sa Imbestigador para may mga update kami ng balita laluna yung may kinalaman sa investment scams. Sana ay makunan din ninyo ng pulso ang saloobin ng pamilyang OFWs tungkol sa mga presidentiables. Para sa akin, si dating Senator Raul Roco ang pinakamainam na kandidato hindi dahil sa kababayan ko siya kundi maganda ang kanyang track record bilang lider ng bansa.