Welcome to our Guestbook!


Current Page   Page 99   Page 98   Page 97   Page 96   Page 95   Page 94   Page 93  
Page 92   Page 91   Page 90   Page 89   Page 88   Page 87   Page 86   Page 85  
Page 84   Page 83   Page 82   Page 81   Page 80   Page 79   Page 78   Page 77  
Page 76   Page 75   Page 74   Page 73   Page 72   Page 71   Page 70   Page 69  
Page 68   Page 67   Page 66   Page 65   Page 64   Page 63   Page 62   Page 61  
Page 60   Page 59   Page 58   Page 57   Page 56   Page 55   Page 54   Page 53  
Page 52   Page 51   Page 50   Page 49   Page 48   Page 47   Page 46   Page 45  
Page 44   Page 43   Page 42   Page 41  Page 40   Page 39   Page 38   Page 37  
Page 36   Page 35   Page 34   Page 33   Page 32   Page 31   Page 30   Page 29  
Page 28   Page 27   Page 26   Page 25   Page 24   Page 23   Page 22   Page 21  
Page 20   Page 19   Page 18   Page 17   Page 16   Page 15   Page 14   Page 13  
Page 12   Page 11   Page 10   Page 9   Page 8   Page 7   Page 6   Page 5  
Page 4   Page 3   Page 2   Page 1  

Back to our Guest Book  | Sign Guestbook



04/21/04 05:15:47 GMT
Name: George Arriola MY URL: Visit Me
My Email: Email Me Location: Quezon City

Comments:
Bilang tugon sa kahilingan ng marami nating kapamilyang OFWs, ang mga sumusunod ay ang nilalaman ng aking kolum na "Boses ng Pamilyang OFWs" pahayagang IMBESTIGADOR: BOSES NG PAMILYANG OFWs Ni GEORGE A. ARRIOLA For Wednesday (April 21) issue Iba’t-ibang boses ng pamilyang OFWs sa Halalan 2004 Dahilan sa palapit na ang eleksyon ay bibigyan namin ng espasyo ang ilan sa mga ipinadalang text at e-mail messages ng ating mga kapamilyang OFW: OFW Cynthia Esguerra ng Hong Kong: Si FPJ ang gusto kong iboto. Siya ay sinsero at malaking puntos ito laban sa kanyang mga kalaban. Efren Ramirez: Nakakasuka ang political advertisement sa TV ni Enrile na “Problema ninyo, sagot ko!” Para lang siya ay maiboto ay binobola niya tayong mga OFW. Sa totoo lang, ang problema natin ay tayo rin ang sasagot, di ba? Ben Tolentino: Hanggang sa ngayon ay wala pa akong mapili. Hinihintay ko munang sumingaw muna ang lahat ng kanilang baho at ang pinakakaunting baho ang siya kong iboboto. Delfin Aguilar: Maski sino na ng manalo para sa akin, mapuwera lang si Ate Glo dahilan sa sobra nang pahirap ang nilikha niya sa aming mga tinagurian pa niyang modernong bayani. Sa totoo lang, puro magagandang balita ang mga mababasa pero ito’y salat sa katotohanan. Wilfredo Vilarica: Mahirap maging pangulo si Da King. Masyadong mainitin ang ulo at may pagka-barumbado. Mahina din ang pasensiya. Di pa nga siya presidente ay padalos-dalos na siyang magdesisyon, paano pa kung siya ang pangulo na natin? Eric Delgado: Si FPJ ang gusto kong iboto. Siya ay sinsero at malaking puntos ito laban sa kanyang mga kalaban.ng Hong Kong: Si FPJ ang gusto kong iboto. Siya ay sinsero at malaking puntos ito laban sa kanyang mga kalaban. Vic delos Reyes: Kay Ping Lacson kami! Dapat sa ating mga Filipino ay disiplina at alam kong siya lamang ang makagagawa nito. Ang kailangan natin ay kamay na bakal! Jane Perez: Para sa akin, ang dapat na maging Pangulo natin ay si Bro. Eddie Villanueva. Dapat ay subukan naman natin na maghalal ng isang alagad ng Diyos. Baka sakaling may malaking pagbabago na mangyari sa buhay nating mga Filipino. Ed Gonzaga: Ngayong papalapit na ang eleksyon ay tiyak na kung ano-ano na namang mga pangako ang ating maririnig. Nandyan din na makakatanggap tayo ng iba’t-ibang pabor na hanggang sa halalan lamang. Dapat ay pakasuriin nating mabuti ang bawat mga kandidato upang hindi tayo magsisi. Jaime Mercado: Kaming mga OFW ang itinuturing ng gobyerno na tagasagip ng ating ekonomiya. Sa totoo lang, kung walang OFW ay todo bagsak ang ating ekonomiya dahilan sa saan kukuha ng dolyar ang ating bansa na pambayad sa panlabas na utang? * * * Samantala, inaanyayahan ko nga pala iyong mga kapamilya nating OFW na may problema na nangangailangan ng counseling na bumisita sa opisina ng Pamilyang OFW-SME Network Foundation Inc. na matatagpuan sa No. 53, 18th Avenue, Murphy, Cubao, Quezon City. Si Sister Gloria Flores ay handang magbigay ng payo sa mga may problemang OFWs at kanilang pamilya tuwing Martes at Huwebes (simula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon) at tuwing Sabado (mula alas-8 hanggang alas-11 ng umaga). * * * Muli kong pinaaalalahanan ang ating mga kapamilyang OFW na naging biktima ng illegal recruiters at investment scammers na laging handa ang IMBESTIGADOR at Task Force Against Illegal Recruitment and Investment Scams o TIRIS na kayo ay tulungan upang makamit ang hustisya. Para sa inyong reaksyon, reklamo o sumbong, mag-text lang sa ating 24-hour na text messaging hotline na 0916-7421768 o kaya ay mag-e-mail sa gearcom@tri-isys.com. Inaanyayahan ko rin po kayo na bumisita sa ating website na www.pamilyangofw-sme.com. Dapat na magkaisa po tayong lahat upang ipaglaban ang karapatan at itaguyod ang kapakanan ng ating modern-day heroes at kanilang pamilya. Hanggang sa Biyernes, mabuhay ang pamilyang OFWs! # # # BOSES NG PAMILYANG OFWs Ni GEORGE A. ARRIOLA For Friday (April 16) issue Huwag mag-invest sa OFW Bank Project! Simula ngayong araw hanggang sa Linggo ay isasagawa ang isang exhibition ng mga produkto at serbisyo para sa OFWs at kanilang pamilya sa SM Megatrade Hall sa Mandaluyong City. Ang organizers ng nasabing okasyon ay ang OFW Net Foundation, Inc. at ang marketing arm nito na OFW International Holdings, Inc. na nasa likod ng pumalpak na OFW Bank Project. Ang nasabing proyektong bangko na itatayo sa Taong 2006 ay konsepto ng dalawang organisasyon may dalawang taon na ang nakararaan. Maganda ang nasabing proyekto kaya nga lamang ay nagsagawa agad ang dalawang samahan ng OFWs ng investment solicitation campaign dito sa bansa noong nakaraang exhibition nila sa nasabi ring lugar nang walang kaukulang secondary license mula sa Securities and Exchange Commission (SEC) at awtoridad mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP). Gumamit din ng internet ang dalawang grupo sa kanilang solicitation campaign (labag ito sa batas, ayon sa BSP) at nagsagawa pa ng roadshows sa abroad upang makahikayat ng OFW investors. Marami nating beses na binanatan ang nasabing proyekto kaya’t nadiskaril ang kanilang plano na makapanghikayat ng marami pang investors. Dahilan sa kanilang mga illegal na aktibidad ay nagsagawa ng imbestigasyon ang SEC noong kalagitnaan ng taon pero hanggang sa ngayon ay wala pa itong naipalalabas na resulta. Dahil dito, pinag-iingat ng IMBESTIGADOR at Task Force Against Illegal Recruitment and Investment Scams o TIRIS ang ating mga kapamilyang OFWs na bibisita sa kanilang aktibidad upang huwag silang mabiktima ng OFW Bank project. Nakatanggap kasi tayo ng impormasyon na manghihikayat na naman sila nang pasimple sa mga pamilyang OFW na magtutungo sa SM Megatrade Hall upang mag-seminar. * * * Samantala, isang direktoryo na layuning mabigyan ng kapangyarihan ang OFWs at small and medium entrepreneurs (SMEs) gayundin ang kanilang pamilya ang pormal na ilulunsad sa espesyal na episode bukas ng Pamilyang Overseas Filipino Workers-Small and Medium Entrepreneurs News Bureau” na mapapakinggan sa DZRJ 810 AM (mula alas-3 hanggang alas-4 ng hapon). Ang kauna-unahang directory na pinamagatang “2005 Philippine Overseas Employment and Small and Medium Enterprise Industries Directory” ay ipamamahagi sa “Pamilyang OFWs-SMEs Expo 2003” at “1st National Convention of OFW-SME Families” na parehong nakatakdang ganapin sa Hunyo 11-13 sa Megatrade Hall 3, SM Megamall sa Mandaluyong City. Pinangungunahan ng inyong lingkod at ni Sister Gloria Flores, ang nasabing public service program ay may layuning ipabatid sa 8 milyon na pamilyang OFWs kung saan mainam mai-invest ang kanilang pinaghirapang kita at upang makatulong sa kanilang transpormasyon bilang pamilyang SMEs. Ang pamilyang OFWs ay tumatanggap ng tinatayang US$10 bilyon na remittances kada taon. Ang mga pamilyang OFW at SME na nais maging bahagi ng programa ay mangyaring makipag-ugnayan lang kay Shirley Dacumos sa POFW-SMENFI Secretariat na may tel. nos. 912-58-03 at 437-16-60 o kaya ay sa 24-hour text messaging hotline na 0916-7421768. * * * Muli kong pinaaalalahanan ang ating mga kapamilyang OFW na naging biktima ng illegal recruiters at investment scammers na laging handa ang IMBESTIGADOR at Task Force Against Illegal Recruitment and Investment Scams o TIRIS na kayo ay tulungan upang makamit ang hustisya. Para sa inyong reaksyon, reklamo o sumbong, mag-text lang sa ating 24-hour na text messaging hotline na 0916-7421768 o kaya ay mag-e-mail sa gearcom@tri-isys.com. Inaanyayahan ko rin po kayo na bumisita sa ating website na www.pamilyangofw-sme.com. Dapat na magkaisa po tayong lahat upang ipaglaban ang karapatan at itaguyod ang kapakanan ng ating modern-day heroes at kanilang pamilya. Hanggang sa Lunes, mabuhay ang pamilyang OFWs! # # #



04/18/04 01:20:55 GMT
Name: Hazel Espiritu
MY URL: Visit Me
Location: United Arab Emirates

Comments:
Gusto ko sanang ipa-member sa inyong foundation ang aking asawa at panganay na anak. Ano-ano po ba ang requirements para sila ay maging member. Maraming salamat po.



04/11/04 13:22:27 GMT
Name: mae MY URL: Visit Me
My Email: Email Me Location: madrid

Comments:
We like your website. We wish your organization good luck and keep up the good work



Current Page   Page 99   Page 98   Page 97   Page 96   Page 95   Page 94   Page 93  
Page 92   Page 91   Page 90   Page 89   Page 88   Page 87   Page 86   Page 85  
Page 84   Page 83   Page 82   Page 81   Page 80   Page 79   Page 78   Page 77  
Page 76   Page 75   Page 74   Page 73   Page 72   Page 71   Page 70   Page 69  
Page 68   Page 67   Page 66   Page 65   Page 64   Page 63   Page 62   Page 61  
Page 60   Page 59   Page 58   Page 57   Page 56   Page 55   Page 54   Page 53  
Page 52   Page 51   Page 50   Page 49   Page 48   Page 47   Page 46   Page 45  
Page 44   Page 43   Page 42   Page 41  Page 40   Page 39   Page 38   Page 37  
Page 36   Page 35   Page 34   Page 33   Page 32   Page 31   Page 30   Page 29  
Page 28   Page 27   Page 26   Page 25   Page 24   Page 23   Page 22   Page 21  
Page 20   Page 19   Page 18   Page 17   Page 16   Page 15   Page 14   Page 13  
Page 12   Page 11   Page 10   Page 9   Page 8   Page 7   Page 6   Page 5  
Page 4   Page 3   Page 2   Page 1  

Back to our Guest Book  | Sign Guestbook

Kaftos.com Search The Internet