|
| Name: George A. Arriola | MY URL: Visit Me |
| My Email: Email Me | Location: Quezon City |
Comments:
BOSES NG PAMILYANG OFWs...
Ni GEORGE A. ARRIOLA...
For Monday (September 20, 2004) issue...
Expo concept ng POFW-SMENFI, kinopya ng AIM graduate!...
Nakatanggap ako kahapon ng e-mail message mula sa isa nating kapamilyang OFW na nagsasabing kinopya ng isang nagngangalang Rolly Pagaspas ang matagal ng konsepto ng Pamilyang Overseas Filipino Workers-Small and Medium Entrepreneurs Network Foundation, Inc. (POFW-SMENFI).
Ayon kay Ernie R. na isang exhibitor, matagal na siyang nakatatanggap ng mga brochure ng POFW-SMENFI na ginagamit sa pag-iimbita sa mga kompanya na nagnanais na mai-promote ang kanilang produkto o serbisyo sa pamilyang OFWs at SMEs.
Sinabi ni Ernie na nagpadala sa kanya ng imbitasyon ang RP Events & Marketing Promotions upang sumali sa nalalapit na 1st United Filipino Seafarers Summit na gaganapin sa Setyembre 23-26 sa Trade Hall ng Harrison Plaza Annex sa Maynila.
Nang makausap niya ang isa sa mga nagma-market ng summit ay napag-alaman niya dito na ang event director na si Rolly Pagaspas ay isang mahusay na organizer at ito ay nagtapos pa sa Asian Institute of Management (AIM).
Ayon kay Ernie, nagulat siya sa kanyang narinig dahilan sa ang konseptong nilalaman ng brochure na ipinadala sa kanya ng RP Events ay halos katulad ng ipinadala sa kanya ng POFW-SMENFI noong Mayo 2004 para sa twin exhibition nito na 3rd Pamilyang OFWs-SMEs Expo at 1st Pamilyang OFWs-SMEs Congress na ginanap noong Hulyo 16-18 sa Megatrade Hall 2 ng SM Megamall sa Mandaluyong City.
Katunayan, ayon pa kay Ernie, ang joint event theme ng POFW-SMENFI na “Transforming the OFW Families into SME Families” ay ginawa ng RP Events na “Transforming the Seafarers Families into SME Families.”
Nagtataka si Ernie dahilan sa kung totoo nga na AIM graduate itong si Rolly Pagaspas ay bakit niya kinopya ang konsepto ng POFW-SMENFI.
Binigyang-diin pa ni Ernie sa kanyang mensahe na isang malaking kahihiyan sa AIM ang ginawang pangongopya nitong si Rolly Pagaspas.
Ayon sa kanya, kung talagang magaling itong si Rolly Pagaspas ay dapat lamng na mag-isip siya ng sariling konsepto at hindi siya nangongopya.
* * *
Para sa kabatiran ni Ernie at ng iba pa na pinagyayabangan nito, si Rolly Pagaspas ay matagal nang kakalila ng inyong lingkod. Siya ay ipinakilala sa akin ni Alex Flores na dating pangulo ng Entrepreneurs Society of the Philippines.
Wala pa tayong nasusubukang transaksyon kay Pagaspas na nagprisinta sa inyong lingkod, na pangulo ng POFW-SMENFI, upang i-market ang 1st Pamilyang OFWs-SMEs Congress. Pinagyabangan tayo nito na makakakuha ng mga sponsor na tig-P100,000 ang participation fee pero may ilang linggo na ang nakararaan ay wala pang nangyari.
Nagkaroon kami ng kontrata na siya ang magma-market ng congress at kapalit nito ay 30 porsyentong commission pero nakiusap din siya makaraan ang ilang araw na ima-market din niya ang exposition. Pinayagan ko naman siya kaya’t nagkaroon siya ng access sa aming mga dokumento na tulad ng brochure, proposal at data base ng posibleng exhibitor.
Inalok ko si Pagaspas ng mataas na posisyon sa POFW-SMENFI pero siya’y tumanggi dahilan sa mas interesado daw siya sa kanyang kikitain na komisyon.
Marami siyang ibinitin na transaksyon na siya ang signatory sa POFW-SMENFI kaya’t napilitan ang inyong lingkod na personal na mangasiwa ng marketing nito.
Makaraang siya ay hindi mag-report sa aming opisina ay maraming tumawag sa kanya na kanyang naka-transaksyon na hindi naman daw niya natupad.
May isa pang kinatawan ng isang law firm na tumawag sa amin at hinahanap si Pagaspas dahilan sa umano ay may warrant of arrest na ito makaraang siya ay kasuhan ng isang grupo ng mga Muslim na kanyang kinolektahan ng pera para sa isang aktibidad na hindi naman natuloy.
Hindi ko ito pinansin pero nagulat ako nang matanggap ang e-mail message ni Ernie.
Ngayon ay alam ko na kung bakit ayaw ni Pagaspas na maging opisyal ng POFW-SMENFI. May balak pala siyang kopyahin ang aming konsepto na noong taong 1994 pa namin binuo.
Gusto naming ipaabot kay Pagaspas at sa kanyang mga kakutsaba sa pangongopya ng konsepto na ikinokonsulta na namin ang kanyang ginawa sa aming legal counsel at malaki ang posibilidad na siya ay aming kasuhan.
* * *
Muli kong pinaaalalahanan ang ating mga kapamilyang OFW na naging biktima ng illegal recruiters at investment scammers na laging handa ang IMBESTIGADOR at Task Force Against Illegal Recruitment and Investment Scams o TIRIS na kayo ay tulungan upang makamit ang hustisya. Para sa inyong reaksyon, reklamo o sumbong, mag-text lang sa ating 24-hour na text messaging hotline na 0916-7421768 o kaya ay mag-e-mail sa gearcom2005@yahoo.com. Ang mga may problemang legal na gustong kumunsulta kay Atty. J. Oswald Lorenzo ay pwede ring mag-text sa nabanggit kong hotline number. Inaanyayahan ko rin po kayo na bumisita sa ating website na www.pamilyangofw-sme.com. Dapat na magkaisa po tayong lahat upang ipaglaban ang karapatan at itaguyod ang kapakanan ng ating modern-day heroes at kanilang pamilya. Hanggang sa Miyerkules, mabuhay ang pamilyang OFWs!
# # #
BOSES NG PAMILYANG OFWs...
Ni GEORGE A. ARRIOLA...
For Friday (September 17, 2004) issue...
Si GMA ang sinisisi ng pamilyang OFWs sa ating financial crisis...
Walang dapat na sisihin kundi si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa dinadanas ng ating bansa na financial crisis. Ito’y ayon sa mga text at e-mail message na natanggap ng inyong lingkod mula sa ating mga kapamilyang OFW. Ang mga sumusunod ay ang kanilang BOSES:
Ester J.: Nakapagtataka si Ate Glo. Nananawagan siya ng pagtitipid dahilan sa krisis sa ekonomiya pero siya mismo ang nagtatapon ng dolyar sa biyahe ng kanyang pamilya at gabinete sa abroad. Dapat na siya ay maging modelo ng bayan sa pagtitipid! Dapat na kondenahin ng ating mga magagaling na mambabatas ang mga pagbiyahe sa abroad ng pamilyang Arroyo gayundin ang kanyang hindi maayos na pamamahala sa ating ekonomiya. Para sa aming OFWs, siya at wala nang iba pang dapat na sisihin sa nararanasan natin na krisis sa ekonomiya sa kasalukuyan.
Dina Esgurera: Walang dapat na sisihin sa pagbagsak ng ating ekonomiya at pinansiyal na krisis kundi ang administrasyong Arroyo na walang habas na nangutang at gumastos ng bilyong-bilyong piso sa mga kuwestiyonableng proyekto. Akala ko ba ay magaling na ekonomista itong si GMA?
Mario V.: Grabe ang problemang pinansiyal ng ating pamahalaan! Lahat na halos ng pangunahing bilihin at petrolyo gayundin ang singil sa koryente at tubig ay patuloy ang pagtaas. Resulta ito ng labis-labis na paggastos ni GMA at ng kanyang mga kaalyado noong nakaraang eleksyon. Si Pangulong Arroyo ang dapat nating sisihin sa ating lugmok na ekonomiya!
Jun Tolentino: Wala na halos oportunidad sa trabaho dito sa ating bansa dahil marami ng kompanya ang nagsasara dahilan sa bagsak nating ekonomiya. Marami rin sa mga dayuhang negosyante ang umaalis dahilan sa kawalan ng tiwala sa ating gobyerno. Isa lang ang dapat nating sisihin sa kinakaharap nating crisis at ito ay si Pres. Arroyo.
Virgie delos Reyes: Kung makikita mo sa telebisyon si Pangulong Arroyo ay parang wala siyang problema na pangiti-ngiti pa habang kinukunan ng litrato at video. Parang maamo at nagmamakaawa ang kanyang mukha na ang dating ay cool na cool. Sa totoo lang, wala na kaming ganang pakinggan pa si GMA dahil puro drowing lang ang kanyang sinasabi. Isang patunay dito ay ang bagsak nating ekonomiya na tanging siya lamang ang dapat na managot sa taumbayan.
* * *
Samantala, inaanyayahan namin kayo na makiisa sa ating programang “Pamilyang OFWs-SMEs!” bukas at tuwing Sabado sa dzRJ 810 AM simula alas-tres ng hapon.
Magbibigay tayo ng update sa anti-illegal recruitment at anti-investment scams campaign ng pamahalaan sa pakikipagtulungan sa mga non-government organizations na nagmamalasakit sa pamilyang OFWs.
Tatalakayin din natin sa ating isang oras na public service program ang iba’t-ibang programang pangkabuhayan na makatutulong sa nagbabakasyon at dating OFWs gayundin sa kanyang pamilya na magkaroon ng dagdag na kita na magagamit nila sa nalalapit na kapaskuhan.
* * *
Muli kong pinaaalalahanan ang ating mga kapamilyang OFW na naging biktima ng illegal recruiters at investment scammers na laging handa ang IMBESTIGADOR at Task Force Against Illegal Recruitment and Investment Scams o TIRIS na kayo ay tulungan upang makamit ang hustisya. Para sa inyong reaksyon, reklamo o sumbong, mag-text lang sa ating 24-hour na text messaging hotline na 0916-7421768 o kaya ay mag-e-mail sa gearcom2005@yahoo.com. Ang mga may problemang legal na gustong kumunsulta kay Atty. J. Oswald Lorenzo ay pwede ring mag-text sa nabanggit kong hotline number. Inaanyayahan ko rin po kayo na bumisita sa ating website na www.pamilyangofw-sme.com. Dapat na magkaisa po tayong lahat upang ipaglaban ang karapatan at itaguyod ang kapakanan ng ating modern-day heroes at kanilang pamilya. Hanggang sa Lunes, mabuhay ang pamilyang OFWs!
# # #
BOSES NG PAMILYANG OFWs...
Ni GEORGE A. ARRIOLA...
For Wednesday (September 15, 2004) issue...
China, di nangangailangan ng OFWs!...
Marami tayong mga kababayan na agad na nag-a-apply kapag may nabalitaan na oportunidad na trabaho sa ibang bansa.
Ang ilan sa umano’y oportunidad na makapagtatrabaho sa China ay kumalat kamakailan sa internet.
Ito ang dahilan kung kaya’t nagbigay ng babala kamakalawa ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga nagbabalak na magtrabaho sa China dahil sa hindi nangangailangan ang nasabing bansa ng mga OFW dahilan sa sapat ang kanilang mga manggagawa roon.
Ipinahayag pa ni Acting Labor and Employment Secretary Manuel Imson na wala silang ipinalalabas na impormasyon hinggil sa 17,000 job openings para sa mga overseas worker sa China.
Ayon sa ulat na natanggap ng DOLE, may China-based group na Australia-China Cultural Interchange Foundation na gumagamit ng internet para manghikayat ng mga English language Filipino teachers para sa mga "exploitative jobs" sa nabanggit na bansa.
Kaugnay nito, pinayuhan ni Imson ang mga guro at OFWs na linawin muna ito sa Philippine Overseas Employment Administration o sa pinakamalapit na DOLE office bago mag-apply para sa naturang trabaho sa ibang bansa.
* * *
Samantala, nagsampa ng walong kaso ng illegal recruitment at syndicated estafa ang POEA laban sa 10 recruitment agencies, grupo at personalidad na napatunayang nanloloko sa mga nagbabalak na mag-OFW.
Ayon kay John Rio Bautista, hepe ng POEA anti-illegal recruitment branch prosecution division, nakapag-file na sila ng kaso sa Quezon City prosecutor’s office.
Ipinahayag ni POEA licensing branch chief Felicitas Bay na kalimitan sa mga kinasuhan ay walang lisensiya mula sa POEA, hindi nakapag-renew ng kanilang lisensiya o kaya ay isinailalim sa preventive suspension.
Ang mga kinasuhan ay ang mga sumusunod:
1. Cecil Mangulabnan, Felicidad Aman, Lorna Jugueta at Lito Bianzon ng CLF Training and Consultancy sa Divino Building sa Aurora Boulevard, Cubao. Sila’y inireklamo nina Augusto Natividad Jr., Gerald at Rodrigo Adoptante, Jenewin Bauzon, Saludina Marie at Marie Grace Balboa, Marilyn Cruz, Adonesa Noguet at Raquel del Rosario. Ayon sa kanila, nangolekta ng tig-P25,000 ang CLF sa bawat isa sa kanila upang sila umano ay makapagtrabaho bilang fruit picker sa New Zealand noong nakaraang taon. Ang CILF ay inireklamo din ni Miguel del Rosario sa katulad na transaksyon noong Mayo 15.
2. Si Rosemarie Liwanag ng Worldwide Specialist and Consultancy at Francia Barlan at iba pang staff ng CH Placement Inc. at High Profile Immigration Consultancy ay inihabla din base sa reklamo ni Mario Briones Jr.
3. Si Gualberto Arellano, may-ari ng Arellano Agency sa Cubao, ay inakusahan na nanloko sa seaman na si Mark Anthony Cabanilla ng P45,000 noong Oktubre 2003.
4. Sina Elizabeth at Julius Cezar Villa, may-ari ng International Manpower and General Services, na inakusahan na nanloko kay Flora Fe Guarin ng P14,000 kapalit ng trabaho bilang chambermaid sa Marso at Abril 2003.
5. Si Myrna Horca ng Intelligent Network Services Inc. na inireklamong nanloko kina Rebecca Gallego at Evelyn Esmane na pinangakuan na magtatrabaho bilang caregivers sa Amerika.
6. Si Rosendo Bagbagay na nanloko sa seaman na si Rector Palado ng P80,000 noong Disyembre 26 at Enero 31.
6. Sina Carol Bunquin at Sherif Amar na inakusahang nanloko kay Gliceria Cabalde ng P13,000 kapalit ng trabaho bilang caregiver sa Ireland.
7. Sina Ranilo Estacio at Joey Bote na kinasuhan makaraang hindi mapaalis papuntang Japan sina Ma. Victoria Bontia at Barbara Tallo bilang dancers.
* * *
Muli kong pinaaalalahanan ang ating mga kapamilyang OFW na naging biktima ng illegal recruiters at investment scammers na laging handa ang IMBESTIGADOR at Task Force Against Illegal Recruitment and Investment Scams o TIRIS na kayo ay tulungan upang makamit ang hustisya. Para sa inyong reaksyon, reklamo o sumbong, mag-text lang sa ating 24-hour na text messaging hotline na 0916-7421768 o kaya ay mag-e-mail sa gearcom2005@yahoo.com. Ang mga may problemang legal na gustong kumunsulta kay Atty. J. Oswald Lorenzo ay pwede ring mag-text sa nabanggit kong hotline number. Inaanyayahan ko rin po kayo na bumisita sa ating website na www.pamilyangofw-sme.com. Dapat na magkaisa po tayong lahat upang ipaglaban ang karapatan at itaguyod ang kapakanan ng ating modern-day heroes at kanilang pamilya. Hanggang sa Biyernes, mabuhay ang pamilyang OFWs!
# # #
BOSES NG PAMILYANG OFWs...
Ni GEORGE A. ARRIOLA...
For Monday (September 13, 2004) issue...
OFWs magagalit kay GMA kapag sila’y pinatawan ng buwis...
Maraming OFWs ang magagalit kay Pangulong Gloria Arroyo sa oras na ituloy ng kanyang administrasyon ang planong pagpapataw sa kanila ng buwis.
Kamakalawa lamang ay napabalitang binanggit ni Finance Secretary Juanita Amatong na kanilang pag-aaralan ang muling pagpapataw ng income tax sa mga OFW.
Magugunita na pinabulaanan ito noong isang buwan ni Finance Undersecretary Grace Pulido-Tan, in-charge sa tax matters, pero kamakalawa ay inamin ni Amatong na pinag-aaralan nila ang posibilidad tungkol dito.
Gayunpaman, nilinaw na maraming pagbabago ang gagawin dito katulad nang hindi pagpapataw ng buwis sa mga domestic helper kundi sa mga ship captains at bank executives lamang.
Ayon sa text message ni Nestor R. na OFW sa Saudi Arabia, mariin nilang tututulan ang anumang panukalang pagbubuwis sa kanilang mga OFW dahilan sa malaki na ang naitutulong nila sa ekonomiya ng bansa. Ayon kay Nestor, ang dapat na pagtuunan ng gobyerno ay ang pagsingil ng tamang buwis sa mga malalaking negosyante at mga lider ng religious groups na may pinatatakbong negosyo.
Sa text message naman ni Aida Soriano, na dating OFW sa Hong Kong, sinabi niyang malaki na ang sakripisyo nilang mga OFW na halos magpaalipin na sa ibang bansa upang matiyak lamang ang magandang kinabukasan ng kanilang pamilya at nararapat lamang na sila ay i-exempt ng pamahalaan sa buwis.
* * *
Samantala, ito’y isang magandang balita sa mga kababayan nating OFW sa bansang Brunei!
Inilunsad kamakailan ni Ambassador Virginia H. Benavidez ng Philippine Embassy sa Brunei Darussalam ang Kabayanihan Team na may layunin na ipabatid sa mga miyembro ng Filipino community sa Brunei ang human and resource development programs at service-oriented activities na magbibigay ng benepisyo sa OFWs.
Ayon kay Benavidez, ang mga programa at aktibidad ay bilang tugon sa mga pakiusap ng mga Filipinong manggagawa sa iba’t-ibang garment factories sa Brunei upang maipaalam sa kanila ng mga benepisyong ipinagkakaloob ng Social Security System at Medicare.
Nabatid na pinakilos ni Benavidez ang Kabayanihan Team ng Embahada na binubuo ng mga kinatawan mula sa Consular, Labor, Welfare, Pag-IBIG at SSS offices upang ipaalam sa mga OFW sa Brunei ang iba’t-ibang benepisyo at serbisyo na ipinagkakaloob sa kanila gayundin ang mga pinakabagong proyekto at programa ng pamahalaan para sa OFWs.
Napag-alaman na ang Kabayanihan Team ay naging aktibo sa pagsasagawa ng information drive sa rehistrasyon ng overseas absentee voters noong nakaraang taon.
Sa kauna-unahang pagkakataon, si Benavidez at ang OWWA representatives ay naglunsad ng serye ng livelihood training at demonstration seminars na may layunin na bigyan ang mga OFW sa Brunei ng karagdagang kaalaman na magagamit nila sa kanilang pag-uwi sa Pilipinas.
Mahigit sa 700 OFW ang nagtapos sa nasabing training program noong Disyembre at ito ay tumanggap ng papuri mula sa Filipino community sa nasabing bansa. Sa ikalawang semester ng taong ito, ipagkakaloob sa livelihood training ang basic sewing, good grooming and personality development, table setting, basic aquaculture, basic computer at iba pa.
Kaugnay nito, ang nasabing Embahada ay binigyan ng komendasyon ni Foreign Affairs Secretary Alberto G. Romulo.
* * *
Muli kong pinaaalalahanan ang ating mga kapamilyang OFW na naging biktima ng illegal recruiters at investment scammers na laging handa ang IMBESTIGADOR at Task Force Against Illegal Recruitment and Investment Scams o TIRIS na kayo ay tulungan upang makamit ang hustisya. Para sa inyong reaksyon, reklamo o sumbong, mag-text lang sa ating 24-hour na text messaging hotline na 0916-7421768 o kaya ay mag-e-mail sa gearcom2005@yahoo.com. Ang mga may problemang legal na gustong kumunsulta kay Atty. J. Oswald Lorenzo ay pwede ring mag-text sa nabanggit kong hotline number. Inaanyayahan ko rin po kayo na bumisita sa ating website na www.pamilyangofw-sme.com. Dapat na magkaisa po tayong lahat upang ipaglaban ang karapatan at itaguyod ang kapakanan ng ating modern-day heroes at kanilang pamilya. Hanggang sa Miyerkules, mabuhay ang pamilyang OFWs!
# # #
BOSES NG PAMILYANG OFWs...
Ni GEORGE A. ARRIOLA...
For Friday (September 10, 2004) issue...
Biktima ba kayo ni Loida Jose o Jessica Marchan?...
Maski na aktibo sa kanyang kampanya laban sa mga illegal recruiter si Chairman Reynaldo Jaylo ng Presidential Anti-Illegal Recruitment Task Force (PAIRTF) ay tila wala pa ring takot sa kanilang illegal na pangangalap ng mga manggagawa pa-abroad ang ilan nating mapagsamantalang kababayan.
Isa na rito si Loida Jose ng Kamias, Quezon City, na inireklamo ng dalawang Filipina na kanyang pinangakuan na magtatrabaho bilang waitress sa Brunei at kikita ng P40,000 kada buwan pero nang dumating sa nasabing bansa ay pilit na pinagtrabaho bilang guest relations officers sa Fun Pub and Crossroads Club. Ang nasabing club ay pinaniniwalaang sex den sa may Labuan.
Ang dalawa na naging biktima ng human trafficking at pinuwersang magtrabaho bilang sex workers ay nasagip kamakailan ng Philippine Embassy sa Brunei Darussalam sa pakikipagtulungan sa Philippine Embassy sa Kuala Lumpur at sa Brunei Immigration authorities.
Sa kanyang report kay Secretary of Foreign Affairs Alberto G. Romulo, sinabi ni Philippine Ambassador to Brunei Virginia Benavidez na ang dalawang Filipina ay mahigit na isang buwan nang nagtatrabaho bilang prostitute sa nabanggit na club nang kanilang masagip.
Sinabi ni Benavidez na ang dalawa ay namalagi sa Filipino Workers’ Resource Center ng Philippine Embassy. Ipinahayag pa ng ambassador na ang mga miyembro ng Christian groups sa Brunei ay nagbigay ng damit at personal hygiene items sa mga biktima. Sila ay sumailalim din sa spiritual counseling sa loob ng dalawang linggo.
Ang RP Embassy ay nangalak ng pondo para sa dalawa upang sila ay makauwi sa Pilipinas noong Setyembre 3.
Ipinahayag pa ni Benavidez na sa katulad na operasyon, ang Philippine Embassy sa Brunei na nakikipag-ugnayan sa Philippine Embassy sa Kuala Lumpur ay nakapag-rescue rin ng walong Filipina na sumakay sa lantsa mula Labuan patungong Brunei.
Ang kanilang recruiter ay nakilalang si Jessica Marchan, alyas Wenilyn Lasagas Marchan, at dalawa pa na nakilala naman bilang Eva at Del, na nangako sa mga Filipina ng trabaho sa Brunei at Malaysia.
Ang Department of Foreign Affairs (DFA) ang sumagot sa pasahe ng walong biktima na nakauwi sa Pilipinas noong Hulyo 7.
Ang pahayag ng 10 kababaihan na biktima ng human trafficking ay ipinadala na ng DFA sa PAIRTF upang tugisin ang mga nag-recruit sa mga biktima.
* * *
Kung kilala ninyo o kayo ay nabiktima kayo ni Loida Jose o Jessica Marchan, mangyaring makipag-ugnayan lang sa IMBESTIGADOR o Task Force Against Illegal Recruitment and Investment Scams (TIRIS) upang matukoy natin ang kinaroroonan ng dalawa at ng mga kasama pa nila sa illegal na aktibidad.
* * *
Samantala, may bagong administrador na ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA). Siya ay si Marianito D. Roque na kauna-unahang career man na napili bilang OWWA administrator pagkatapos ng yumaong si Salvador Bigay.
* * *
Inaasahan ng IMBESTIGADOR at TIRIS na magkakaroon ng mga reporma sa nasabing tanggapan na palaging tumatanggap ng batikos sa mga OFW dahilan sa kakulangan sa serbisyo.
* * *
Inaanyayahan ko nga pala kayong makiisa sa ating lingguhang public service program na Pamilyang OFWs-SMEs! sa dzRJ 810 bukas at tuwing Sabado, simula alas-3 hanggang alas-4 ng hapon. Kasama natin si Atty. J. Oswald B. Lorenzo na maglilingkod sa ating mga kapamilyang OFW at small and medium entrepreneurs.
Kabilang sa ating mga panauhin ay si Maricar Maniego ng Pinoy EGG Heads Club na tatalakayin ang Pinoy Egg Business at sina Bobby Liper, Mark Siruno at Kaye Ilagan ng Extraordinary Development Corporation na ipapaliwanag kung paano kumita nang malaki bilang sales managers o sales agents.
* * *
Muli kong pinaaalalahanan ang ating mga kapamilyang OFW na naging biktima ng illegal recruiters at investment scammers na laging handa ang IMBESTIGADOR at TIRIS na kayo ay tulungan upang makamit ang hustisya. Para sa inyong reaksyon, reklamo o sumbong, mag-text lang sa ating 24-hour na text messaging hotline na 0916-7421768 o kaya ay mag-e-mail sa gearcom2005@yahoo.com. Ang mga may problemang legal na gustong kumunsulta kay Atty. J. Oswald Lorenzo ay pwede ring mag-text sa nabanggit kong hotline number. Inaanyayahan ko rin po kayo na bumisita sa ating website na www.pamilyangofw-sme.com. Dapat na magkaisa po tayong lahat upang ipaglaban ang karapatan at itaguyod ang kapakanan ng ating modern-day heroes at kanilang pamilya. Hanggang sa Lunes, mabuhay ang pamilyang OFWs!
# # #
BOSES NG PAMILYANG OFWs...
Ni GEORGE A. ARRIOLA...
For Wednesday (September 8, 2004) issue...
Ang iba’t-ibang uri ng illegal recruitment...
May mga natanggap ang IMBESTIGADOR at Task Force Against Illegal Recruitment and Investment Scams o TIRIS na mga katanungan mula sa ating mga kapamilya na gustong malaman kung ano ang iba’t-ibang uri ng illegal recruitment.
Bilang serbisyo publiko at para na rin sa kabatiran ng iba pa nating kapamilya na may katulad na katanungan, ang mga uri ng illegal na pangangalap ng mga manggagawa para magtrabaho sa ibang bansa, ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA), ay ang mga sumusunod:
1. Escort services na kung saan ang mga turista na planong magtrabaho sa abroad ay pinagkakalooban ng “escort” na serbisyo sa alinmang airport o seaport ng Pilipinas (kapalit ng malaking halaga) upang makasakay siya sa eroplano o barko nang hindi dumadaan sa legal o tamang proseso;
2. Sa pamamagitan ng correspondence na kung saan ang mga aplikante ay hinihimok ng recruiter na tumugon sa employment requirements at placement fees sa pamamagitan ng koreo;
3. Sa pamamagitan ng blind advertisement na inilalathala sa ilang pahayagan na may ipinapangakong magandang trabaho sa ibang bansa;
4. Sa pamamagitan ng au pair na isang inter-cultural program na kung saan ang isang host na pamilya ay mag-i-isponsor ng isang dayuhan upang mag-aral ng lengguwahe at kultura kapalit ng buwanang allowance;
5. Sa paggamit ng backdoor exit -- sa pamamagitan ng airport at seaport sa dakong timog ng bansa -- sa pag-alis ng bansa;
6. Sa paglahok sa seminars at sports events sa ibang bansa na kung saan ang mga manggagawa ay umaalis bilang kalahok pero ang talagang plano ay maghanap ng trabaho sa host country; at
7. Sa pamamagitan ng traineeship program na kung saan ang mga estudyante ng Hotel and Restaurant Management ay umaalis upang sumailalim sa traineeship program sa mga hotel sa ibang bansa pero ang katotohanan ay magtatrabaho ito sa training establishment.
Ang pag-alis sa Pilipinas bilang isang turista pero ang intensiyon ay magtrabaho sa ibang bansa ay illegal kaya’t walang proteksyon na maaasahan ang ating mga kapamilya mula sa ating pamahalaan at sa dayuhang gobyerno.
Mahalaga na siguraduhin na ang inyong pag-alis sa Pilipinas upang magtrabaho sa ibang bansa ay hindi katulad ng mga illegal na pamamaraan na nabanggit ng POEA.
* * *
Samantala, narito ang ilan pa sa mga katanungan ng ating mga kapamilya. Tinatanong ni Jane Rosario kung legal ang pangongolekta ng kanyang recruitment agency ng P80,000 na placement fee pa-Hong Kong.
Ayon sa POEA, ang legal na placement fee na dapat kolektahin ng isang lisensiyadong recruitment agency mula sa aplikante para sa trabaho sa abroad ay dapat na katumbas lamang ng isang buwang sahod ng manggagawa na nakasaad sa kanyang employment contract. Sa nasabing halaga ay hindi kasama ang gastos para sa documentation at processing.
* * *
Gusto naman na malaman ni Aida Ferrer kung para saan ang documentation at processing fee.
Sakop ng documentation costs ang passport fees, NBI/Police clearance, medical examinations, medicare premium, trade tests, authentication at birth certificate samantalang sakop naman ng processing costs ang visa, POEA processing fee at OWWA membership fee na babayaran ng employer.
* * *
Muli kong pinaaalalahanan ang ating mga kapamilyang OFW na naging biktima ng illegal recruiters at investment scammers na laging handa ang IMBESTIGADOR at TIRIS na kayo ay tulungan upang makamit ang hustisya. Para sa inyong reaksyon, reklamo o sumbong, mag-text lang sa ating 24-hour na text messaging hotline na 0916-7421768 o kaya ay mag-e-mail sa gearcom2005@yahoo.com. Ang mga may problemang legal na gustong kumunsulta kay Atty. J. Oswald Lorenzo ay pwede ring mag-text sa nabanggit kong hotline number. Inaanyayahan ko rin po kayo na bumisita sa ating website na www.pamilyangofw-sme.com. Dapat na magkaisa po tayong lahat upang ipaglaban ang karapatan at itaguyod ang kapakanan ng ating modern-day heroes at kanilang pamilya. Hanggang sa Biyernes, mabuhay ang pamilyang OFWs!
# # #
| Name: Rey Hipolito |
| MY URL: Visit Me |
| Location: San Fernando, Pampanga |
Comments:
Bilib ako sa inyong mga expose laluna sa investment scammers. Sana ay ipagpatuloy ninyo ang inyong mga pagbubulgar.
| Name: Eugene Villamayor |
| MY URL: Visit Me |
| Location: Gapan, Nueva Ecija |
Comments:
Ako ay regular na nakikinig sa inyong programa sa DZRJ tuwing Sabado. Sana ay huwag ninyong lulubayan ang pagbubulgar ng mga illegal recruiters at investment scammers. Marami pong salamat!
| Name: Wilson Gutierrez |
| MY URL: Visit Me |
| Location: Saudi Arabia |
Comments:
We thank you for exposing investment scams, including those who are recruiting investment from us OFWs but does not have secondary license from the Securities and Exchange Commission.More power to you, Mr. George Arriola!
| Name: Alvaro | MY URL: Visit Me |
| My Email: Email Me | Location: dubai |
Comments:
musta na sa lahat meron ba akong puwedeng maka eye ball pag dating ko sa HK yung magandang kabayan sa last week ng oct ako pupunta sa HK
| Name: Michelle Tan | MY URL: Visit Me |
| My Email: Email Me | Location: Mandaluyong |
Comments:
Thank you very much! galing nyo!
| Name: Eliseo Javier |
| MY URL: Visit Me |
| Location: Cabanatuan City |
Comments:
Impressed ako sa accomplishments ng inyong foundation and I and my family are interested to become members. More power!
| Name: Tess Dizon |
| MY URL: Visit Me |
| Location: Tagbilaran City |
Comments:
I find your column in Imbestigador very informative. Thank you for exposing illegal recruiters and investment scammers who are really after the unsuspecting OFWs' hard-earned money. More power!
| Name: Nelia Gutierrez |
| MY URL: Visit Me |
| Location: Hong Kong |
Comments:
Mabuhay ang inyong foundation!
| Name: Jenny Bernardo |
| MY URL: Visit Me |
| Location: Baguio City |
Comments:
Isa po ako sa masugid na sumusubaybay sa inyong kolum sa Imbestigador at nagpapasalamat kami sa mga napapanahong impormasyon na isini-share ninyo sa aming pamilya ng OFW. Sana ay ipagpatuloy ninyo ang inyong pagbubulgar ng investment scammers.
| Name: Ted Zamora |
| MY URL: Visit Me |
| Location: Taiwan |
Comments:
We thank you for giving us updates on investment scams. Mabuhay kayo!
| Name: Andy Buenaventura |
| MY URL: Visit Me |
| Location: Saudi Arabia |
Comments:
We hope Imbestigador will be circulated here in the Kingdom. Mabuhay kayo diyan sa Imbestigador!