|
| Name: Jane Contreras |
| MY URL: Visit Me |
| Location: Hong Kong |
Comments:
Congratulations for coming out with another exposition at the SM Megamall this week. Mabuhay tayong mga OFWs!
| Name: George A. Arriola | MY URL: Visit Me |
| My Email: Email Me | Location: Quezon City |
Comments:
BOSES NG PAMILYANG OFWs...
Ni GEORGE A. ARRIOLA...
For Wednesday (November 10, 2004) issue...
Illegal recruitment victims, inaanyayahan sa OFW expo sa SM Megamall...
Kayo ba ay biktima ng illegal recruiter? O kaya naman ay kamag-anak ng isang overseas Filipino worker (OFW) na may problema sa kanilang employer sa abroad o recruitment agency?
Kung ganoon, inaanyayahan kayo ni Administrator Rosalinda Dimapilis-Baldoz ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at Director Reynaldo Jaylo ng Presidential Anti-Illegal Recruitment Task Force (PAIRTF) na bumisita sa 2nd Fiipino Seafarers Famiy Expo and Forum at 1st Pamilyang OFWs-SMEs Housing and Home Necessities Trade Fair na sabay na gaganapin simula sa Biyernes sa Megatrade Hall 1 ng SM Megamall sa Mandaluyong City.
Ang mga mambabasa ng diyaryong IMBESTIGADOR ay bibigyan ng prayoridad na magreklamo sa kanilang recruiters sa nasabing exposition na inorganisa ng Pamilyang Overseas Filipino Workers-Small and Medium Entrepreneurs Network Foundation, Inc. (POFW-SMENFI) sa pakikipagtulungan sa government agencies at non-government organizations na may kinalaman sa pamilyang OFWs at SMEs.
Si Director Jaylo ay inanyayahan ng inyong lingkod na maging panauhing tagapagsalita sa nabanggit na dalawang aktibidad na layunin na ipabatid sa mahigit na 8 milyon na OFWs (kabilang ang 250,000 seafarers na lulan ng international ocean-going vessels) at kanilang pamilya ang iba’t-ibang oportunidad sa trabaho, kabuhayan, pamumuhunan at negosyo na ipinagkakaloob ng government, private at NGO sectors.
Ang mga nabanggit na okasyon ay bilang suporta din sa rekomendasyon ng Asian Development Bank (ADB) na ang ipinadadalang remittances ng OFWs ay mainam na gamitin sa pagtatayo nila ng isang negosyong pang-pamilya.
Mauna rito, lumitaw sa pag-aaral ng ADB na ang OFWs ay nagre-remit ng humigit-kumulang sa US$7 bilyon kada taon, pero ang malaking bahagi nito ay nagagamit sa labis na paggastos at hindi naipupuhunan upang lumago at makatulong sa pagreporma sa ekonomiya.
Upang matiyak ang transpormasyon ng mayorya ng pamilyang OFWs bilang entrepreneurs o negosyante, ang POFW-SMENFI ay nagsasagawa ng patuloy na information dissemination campaign at mga aktibidad na layuning ipabatid sa pamilyang OFWs kung saan nila mainam na mai-invest ang kanilang pinaghirapang kita.
Matagal nang adhikain ng POFW-SMENFI ang transpormasyon ng pamilyang OFWs bilang entrepreneurs. Nagsimula ito noong taong 1997 nang inorganisa nito ang OFW Family Expo 1997 sa may Philippine Postal Corporation. Ito’y sinundan pa ng mga exposition sa POEA, Manila Midtown Hotel at Philippine Trade Training Center.
Ang pinakakabagong exposition na inorganisa ng POFW-SMENFI ay ang 3rd Pamilyang OFWs-SMEs Expo at 1st Pamilyang OFWs-SMEs Congress na ginanap noong Hulyo 16-19 sa Megatrade Hall 2 sa SM Megamall.
Mahigit sa 5,000 pamilyang OFWs ang bumisita sa nabanggit na twin expo at ang karamihan sa kanila ay nagpahayag ng kanilang intensiyon na maging negosyante.
Ang mga aktibidad na isinasagawa ng POFW-SMENFI ay bahagi ng misyon na patuloy na bigyan ng kapangyarihan ang pamilyang OFWs sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mga impormasyon, oportunidad at benepisyo sa pakikipagtulungan sa publiko at pribadong sector.
Ang ating mga kakampi at kapamilyang OFWs na gustong maging prayoridad ang kanilang problema sa illegal recruiters ay mangyaring magpa-rehistro lamang sa POFW-SMENFI Secretariat sa Tel. Nos. 912-58-03 at 437-16-60.
Iyong gusto naman na magkaroon ng oportunidad sa trabaho, kabuhayan, pamumuhunan at negosyo ay pwede ring magparehistro sa mga nasabing telephone numbers.
Inaanyayahan ko rin ang mga miyembro ng noon ay GPI-Pamilyang OFWs Network Foundation at POFW-SMENFI na dumalo sa tatlong-araw na exposition na magtatampok din sa iba’t-ibang imbensiyon ng Filipino na tulad ng Air-Conditioned Jeepneys, Aerogas at marami pang iba na solusyon sa kinakaharap nating krisis.
Kabilang sa government agencies na nagpahayag ng kanilang partisipasyon sa expositions ay ang Department of Tourism, Bangko Sentral ng Pilipinas at National Bureau of Investigation. Inaasahan na mula ngayon hanggang bukas ay madadagdagan pa ang bilang ng mga ahensiya ng gobyerno na nagsisilbi sa pamilyang OFWs at SMEs.
* * *
Para sa inyong reaksyon, reklamo o sumbong, mag-text lang sa ating 24-hour na text messaging hotline na 0916-7421768 o kaya ay mag-e-mail sa gearcom2005@yahoo.com. Ang mga may problemang legal na gustong kumunsulta kay Atty. J. Oswald Lorenzo ay pwede ring mag-text sa nabanggit kong hotline number. Inaanyayahan ko po kayo na bumisita sa ating website na www.pamilyangofw-sme.com na kung saan ay inyo ring matutunghayan ang kolum na ito. Dapat na magkaisa po tayong lahat upang ipaglaban ang karapatan at itaguyod ang kapakanan ng ating modern-day heroes at kanilang pamilya. Hanggang sa Biyernes, mabuhay ang pamilyang OFWs!
# # #
| Name: Myriam Delgado |
| MY URL: Visit Me |
| Location: New York, USA |
Comments:
An informative and wonderful site!