|
| Name: George Arriola | MY URL: Visit Me |
| My Email: Email Me | Location: Quezon City |
Comments:
BOSES NG PAMILYANG OFWs...
Ni GEORGE A. ARRIOLA...
For Wednesday (November 17, 2004) issue...
Laganap na naman ang e-mail scams kaya’t mag-ingat kayo!...
Nakatanggap ang inyong lingkod ng dalawang e-mail message mula sa mga OFW na sina Robert Estanislao at Ernie Padua na nais na i-share ang kanilang natanggap na mensahe mula sa hindi nila mga kakilala na nag-aalok ng malaking halaga bilang share. Dahilan sa sila ay regular na nagbabasa ng IMBESTIGADOR ay nakiusap sila na ilathala natin ang mga nabanggit na mensahe upang makapag-ingat naman ang ating mga kakampi at kapamilyang OFW. Narito ang mga e-mail message:
Dear sir/madam:
My name is Miss Nadia Nadeem, 21 years old, from Sierra Leone. My father, my younger brother and I escaped from our country at the heat of the civil war after loosing my mother and two of my senior brothers in the war.
As a result of the political instability in my country even after the war, my father established his cocoa and coffee export business in Abidjan, Cote d‘Ivoire. He was in Buake, a northern city, to negotiate for the purchase of a cocoa plantation when he was shot and killed the rebel troops fighting to take over the government of the country on the 22nd September, 2002.
The death of my father has now made me and my younger brother orphans and thereby exposing us to danger.
Before the unfortunate death, my late father had in his personal account with a bank here the sum of US$4 million. As a result of the present insecurity of lives and property in this country, I am requesting you to assist me so that I can use your account in your country to transfer the balance of my father‘s account. Again, to assist us with a letter of invitation that will make me get a visa to your country for residence in order for us to continue our education and to invest the fund in a viable business venture. If this is acceptable to you, send me a mail through my regular e-mail account so that we can discuss your commission for the service.
Regards,
Miss Nadia Nadeem
* * *
Dear friend:
Your contact has been gotten from after a search for a person whom we can jointly invest Trust in and also solicit a honourable partnership with.
I represent a client and my client has interest to do business relative to investments in your country in areas related to real estates, to initiate a proper and structured relationship.
Please let me know what your response will be to an offer to receive investment funds in cash if:
1. The said fund amounts to Twenty-Five Million Dollars (US).
2. The said fund is in cash and will be transferred to you in same state.
3. The fund is intended to be invested through your agency in the purchase of facility and assets, for real estates purposes within your country and also to be invested in any other lucrative venture as you would suggest.
4. This transaction will result in your being paid a commission of 10% of the investment capital.
5. The fund owners desire absolute confidentiality and professionalism in the handling of this matter.
Please respond urgently.
Respectfully yours,
Harold S. Malik
National Real Estate Co.
Lagos-Nigeria
* * *
Para sa inyong reaksyon, reklamo o sumbong, mag-text lang sa ating 24-hour na text messaging hotline na 0916-7421768 o kaya ay mag-e-mail sa gearcom2005@yahoo.com. Ang mga may problemang legal na gustong kumunsulta kay Atty. J. Oswald Lorenzo ay pwede ring mag-text sa nabanggit kong hotline number. Inaanyayahan ko po kayo na bumisita sa ating website na www.pamilyangofw-sme.com na kung saan ay inyo ring matutunghayan ang kolum na ito. Dapat na magkaisa po tayong lahat upang ipaglaban ang karapatan at itaguyod ang kapakanan ng ating modern-day heroes at kanilang pamilya. Hanggang sa Biyernes, mabuhay ang pamilyang OFWs!
# # #
BOSES NG PAMILYANG OFWs...
Ni GEORGE A. ARRIOLA...
For Monday (November 15, 2004) issue...
Magandang balita sa 1.4 milyon na OFWs sa KSA!...
Sa kasalukuyan ay may 1.4 milyon tayo na mga kababayan na nagtatrabaho sa Kingdom of Saudi Arabia.
Sa kagustuhang mapataas ang antas ng pamumuhay at matiyak ang magandang kinabukasan ng kanyang pamilya, ang ating mga OFW ay nagsasakripisyo at nagtitiis na malayo sa kanilang mga mahal sa buhay.
Isa sa kanilang problema, lalo na iyong mga first timer lang, ay ang homesick.
Bukod dito ay may mga OFW na nagkakaroon ng problema sa kanilang dayuhang employer. Kalimitan sa kanilang suliranin sa employer ay ang hindi pagtupad nito sa napagkasunduang kontrata at trabaho, naaantalang pagbibigay ng sahod, hindi pagbabayad ng overtime pay, pagmamaltrato at kung ano-ano pa.
May mga pagkakataon pa na kapag nagreklamo ang naargabyadong OFW laban sa kanyang employer ay nababaligtad pa ang situwasyon at kung minsan ay nakakasuhan pa siya at nakukulong.
Katulad na lamang ng isang grupo ng mga OFW na humingi ng tulong sa inyong lingkod dahilan sa sila ay hindi pinapasahod nang maayos ng kanilang employer bukod sa lumabag din ito sa kontrata.
Nang magreklamo ang mga OFW ay nakasuhan sila at nakulong. Mabuti na lamang at may mga tumulong sa kanila na kapwa-OFWs kaya’t sila ay nakalabas sa kulungan at nakabalik sa Pilipinas.
May mga natanggap pa tayong e-mail mula sa ating mga OFW sa Saudi na nagsusumbong na hindi raw nila naaasahan ang ilang opisyal at empleyado ng Embahada sa nasabing kingdom dahilan sa hayagan ang pagkampi ng mga ito sa dayuhang employer.
Ayaw nga lamang nila na magsampa ng kaso sa pangambang sila ay magawan ng kaso at makulong.
* * *
Kaugnay nito ay may magandang balita sa kanila si Secretary Patricia A. Sto. Tomas ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Ayon kay Sto. Tomas, nagdesisyon ang Saudi Arabian Council of Ministers na amyendahan ang Labor Law sa Saudi Arabia upang maseguro ang kapakanan ng mga manggagawa at mapabilis din ang pag-areglo sa mga kaso sa pagitan ng OFWs at employer.
"It is a compassionate and enlightened move, at the highest level on the part of the Kingdom of Saudi Arabia, and it will certainly benefit about 1.4 million OFWs employed in its industries," pahayag ni Sto. Tomas.
Ang OFWs ay 20 porsyento ng tinatayang 7 milyon na dayuhang manggagawa sa Kingdom.
Ang Saudi Council of Ministers ay binubuo ng Prime Minister, na siya ring Hari, First Deputy Prime Minister, Second Deputy Prime Minister, 21 portfolio ministers, at anim na ministro ng Estado.
Nagdesisyon ang Council na pabilisin ang pag-aareglo ng problema sa paggawa dahilan sa dumadaming reklamo ng mga dayuhang manggagawa, kabilang ang OFWS, laban sa kanilang mga employer na hindi nagbibigay ng sahod at iba pang benepisyo.
Batay sa Article 181 ng inamiyendahang Saudi Labor Law, ang panel chairman ng Saudi Supreme Commission ay magtatakda ng araw ng pagdinig sa kasong iprinisinta bilang apela sa loob ng 15 araw ng rehistrasyon na kinakailangang madesisyunan sa loob ng 30 araw makaraan ang unang pagdinig.
Ipinahayag din ni Sto. Tomas na ipinabatid sa kanya ni Ambassador Mohammed Ameen Wali ng Royal Embassy of Saudi Arabia sa Manila na ang Saudi Labor Ministry, na pinamumunuan ni Labor Minister Ghazi Al-Gosaibi, ay nagbawal sa mga kompanya at indibiduwal na employer sa Kingdom na mag-recruit ng mga dayuhang manggagawa sa loob ng limang taong bilang parusa sa pagmamaltrato ng mga ito sa kanilang manggagawa at hindi nila pagbibigay ng sahod.
* * *
Para sa inyong reaksyon, reklamo o sumbong, mag-text lang sa ating 24-hour na text messaging hotline na 0916-7421768 o kaya ay mag-e-mail sa gearcom2005@yahoo.com. Ang mga may problemang legal na gustong kumunsulta kay Atty. J. Oswald Lorenzo ay pwede ring mag-text sa nabanggit kong hotline number. Inaanyayahan ko po kayo na bumisita sa ating website na www.pamilyangofw-sme.com na kung saan ay inyo ring matutunghayan ang kolum na ito. Dapat na magkaisa po tayong lahat upang ipaglaban ang karapatan at itaguyod ang kapakanan ng ating modern-day heroes at kanilang pamilya. Hanggang sa Miyerkules, mabuhay ang pamilyang OFWs!
# # #
| Name: Mar Villarel |
| MY URL: Visit Me |
| Location: UAE |
Comments:
Mabuhay kayo sa pag-oorganisa ng mga proyekto para sa aming OFWs at pamilya!
| Name: Zeny Crisostomo |
| MY URL: Visit Me |
| Location: Taiwan |
Comments:
Congratulations, sir, for holding the Seafarers Family Expo and the Housing and Home Essentials Expo at the SM Megamall. It is really important for all of the OFW families to know what are the best investment options. Mabuhay!
| Name: Erlinda Garcia |
| MY URL: Visit Me |
| Location: Hong Kong |
Comments:
I wish I am there attending our exposition at the SM Megatrade Hall. Anyway, congratulations for organizing another exposition that will ensure the transformation of a majority of the OFW families into community entrepreneurs.
Mabuhay!